"A happy relationship is a great thing to share."
Syempre, gusto mo ring lumigaya ang kasintahan mo. At gagawin mo ang lahat makita lang ang matamis niyang ngiti. Kaming mga lalaki ay suplado, mainitin ang ulo, seloso, at minsan mahirap ding intindihin katulad ng mga babae. Ngunit kung magkasalubong ang man kilay namin, lambing lang ang katapat diyan.
Mga paraan kung paano pasayahin ang lalaki:
1. Bigyan ng konting space kung gugustuhin niya, ayaw kasi ng mga lalaki ang nasasakal
2. Lambingin mo lang, ngingiti na yan
3. Pag-usapan ang mga isyu at itama ito
4. I-appreciate mo yung efforts niya at mag-effort ka rin para sa kanya
5. Maging matapat ka sa kanya
6. I-compliment mo siya kahit minsan
7. Iwasan mong magselos siya
8. Suportahan mo siya sa mga bagay-bagay na alam mong magpapasaya sa kanya
9. Respetuhin mo rin siya tulad ng pagrespeto niya sa'yo
10. Alagaan mo siya
11. Ipagluto/Gawan mo siya ng kanyang paboritong pagkain/dessert
12. Yakapin mo siya ng mahigpit
13. Sabihin mo sa kanya kung sino yung lalaking kasama mo o pinansin mo sa daan
14. Maging shoulder-to-lean-on ka kung may problema siya
15. Maki-PDA minsan, yung wholesome lang, kahit simpleng paghawak ng kamay, pagyakap o paghalik sa pisngi, pinaparamdam mo kasi sa kanya na hindi mo siya ikanihihiya sa ibang tao
16. Sabihin mo sa kanyang may tiwala ka sa kanya
17. Humingi ka sa kanya ng tulong sa kung ano man ang kailangan mo
18. Kung pagsabihan ka niyang 'wag magsuot ng shorts o kahit na anong damit na hindi niya gustong suotin mo, magbihis ka agad, ayaw kasi naming may tumitinging iba sa inyo
19. Ipakilala mo rin siya sa friends mo o sa kahit anong importanteng tao sa buhay mo
20. Mahalin mo siya ng husto
Marami pa namang bagay ang makakapagpasaya sa amin. Pero kung alam mong magiging masaya siya diyan, edi gawin mo. Mahalin mo siya ng husto, ngunit 'wag mo rin kalimutang mahalin ang sarili mo. Actually, pare-pareho lang naman talaga kung paano mapapasaya ang mga babae eh, nakadepende na talaga yan sa tao.
YOU ARE READING
MGA PARAAN KUNG PAANO
RandomAng mga sagot din sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022
