Ako lang ba?
O meron pa?
Meron rin kayang nakakaramdam nito?
Bakit parang sa tuwing nakikita ko sya parang may nagbubulong saakin na ' wag ko syang lalapitan.'
Eh ang tadhana na nga ang nagpapalapit saamin sa isa't isa.
Tadhana nga ba??
Pero bakit sa tuwing kasama ko sya at pupunta kami sa isang lugar na sobrang familiar saakin ay kikirot ang puso ko.
Hindi kaya.......
Minahal ko na sya dati?
May ka-reincarnation ba ako sa panahon pa ng mga kastila na tulad ng mga nababasa ko sa mga wattpad app?
At sinaktan nya ako?
Hindi.
Hindi naman totoo yang mga reincarnation na yan. Sa wattpad lang naman yan mababasa.
Napailing-iling na lang ako sa mga naiisip ko.
"Hayy.." Buntong-hiningang sabi ko.
"Are you ok, kay?" Nag-aalalang tanong Ella habang sumisim-sim ng frappe nya.
"Ahh, ok lang ako. May iniisip lang."
"Ano naman yan? Tungkol ba yan kay Jacob, ha?"
Jacob Fuentales.
Sya ang bagong classmate namin at ang tinutukoy kong lalaki sa mga iniisip ko kanina.
Kahit 1 week na ang nakalipas simula nung pumasok sya ay sobrang close na namin sa isa't isa.
Ewan ko ba. Kung kasama ko sya masasaktan ako, lalo na sa mga pinapakita nya kung kami lang ang magkasama.
Yung mga pagtawa nya, yung ngiti nya, yung pagiging concern nya yun ang pinapakita nya.
Ewan ko din ba, kung bakit hindi ko sya matanggihan.
"Ano ka ba! Hindi no' iniisip ko lang yung ate ko." Pagsisinungaling ko.
"Bakit inaway ka na naman ba?"
"Hindi naman. Hindi pa rin kasi sya nakaka-move on. Lahat na lang ginawa ko, sinunod ko na ang lahat ng luho nya. Lahat lahat ginawa ko na talaga. Pero hindi pa rin ako susuko, darating din ang araw na papatawarin nya rin ako."
"Naku! Kung ako sa'yo hindi ko na papakailaman noh! Kung ganyan lang naman pala ang pakikisama nya sakin ehh walang pakialamanan. Pero believe ako sa'yo Sis, I admire you for being like that. Kahit sukong-suko ka na, patuloy pa rin. But I hope that you two will be good, even not now pero sa soon. I wish!"
Pagkatapos nyang sabihin yun ay bigla na lang akong napayakap sa kanya.
Oh, I very love my bestfriend.
Ang swerte ko dahil nakilala ko sya. Kaya sya ang lucky charm ko sa lahat.
"Umiiyak ka ba, kay?"
Agad akong napabitaw sa kanya. Hindi ko na pansin na umiiyak na pala ako.
"Sorry, hehe. Nadala lang sa ako sa emosyon ko."
"Haha, ok lang yan.. Umiyak ka lang kung kailangan."
"Haha." Tawa ko at yumakap ulit sa kanya.
"Ahhh!!! Baliw na si Sissy. Kanina lang umiyak tapos ngayon tatawa."
"Haha."
"Isusumbong kita kay Jacob, na nababaliw ka na. Haha!"
YOU ARE READING
A memory forgotten
Historical FictionIsang babaeng natatakot magmahal dahil takot syang masaktan. Kahit hindi pa nya naranasang magmahal pero sa pakiramdam nya ay nagmahal na sya dati at sya ay nasaktan na halos ikamatay nya. Hanggang sa makilala nya ang isang lalaking nagbibigay mist...
