Nandito ako ngayon sa tambayan ko. 'Yong puno na malapit sa park. Wala kasing taong pumupunta rito.
Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa palang tumutulo.
Hindi na nga ako makahinga eh.
Napatingin na lang ako sa phone ko na nagriring.
Si mommy...
Kanina pa kasi ako di umuuwi. Gabi na rin kasi baka nag-aalala na yun sa akin.
Pinatay ko yung phone ko at nilagay na lang iyon sa bulsa ng sweater ko.
"Claire!!" Nagulat ako n'ung may tumawag sa akin.
Imposible... Nandito siya? Pero bakit?
"Dan?" Mahinang tanong ko. Tamuyo na ko para maniguradong siya nga 'yon.
Nang makita ko na siya nga 'yon tinawag ko siya kaso...
"Claire!!" Iyon lang ang narinig ko bago magdilim ang paligid ko.
ESTÁS LEYENDO
Ang Purpose Ni Ms. Third wheel
FanfictionNagtataka ba kayo kung bakit may mga third wheel sa mundo? Bakit kailangan pa nila mabuhay? Kung ano ang purpose nila? Mary Clarice (Claire) Daleno. Maganda, matangkad, matalino, at mabait. Nag-iisang anak, at nakapagtapos ng kolehiyo. Sa buong buha...
