Sa pag-iisip ko ng mga bagay bagay
Na gusto kong ibahagi sa aking buhay
Ay nakabuo ako ng isang tula
Na ipagmamalaki ko sa mga madlaDi man ito sumikat tulad ng iba
Sisiguraduhin ko na walang makakagaya
Dahil naniniwala ako na ang pagsulat ng tula
Ay isang sining na walang makakatugmaSabi nga nila mahirap mag simula
Lalo na't di mo alam kung saan ka magsisimula
Unang kilig
Unang Tawa
Unang I Like You
Unang I Love You
Unang Sakit
Unang Iyak
Unang Pighati
Hanggang sa di mo na kinaya
Bumigay ka at sinabing wala kang kwentaNoong una puro lang kasayahan
Kalaunan puro na iyakan
Noong una puro lang tawanan
Kalaunan puro na galitanGanoon na lang ba lagi sa simula lang
Nasaan na ang pangako mong ako lang
Na di mo ako iiwan
Na tayo magpakailanman
Siguro pagod ka na
At di mo na kinayaSiguro ito na ang ating simula
Simula ng bagong kabanata
YOU ARE READING
My Poetry Collection
PoetryMga tulang nasusulat ko lang kapag ako'y nakakaramdam ng matinding kalungkutan at kasiyahan. Sa buhay natin mayroon talaga tayong tinatagong sining na kailangan nating linangin at payabungin. NOTE: Plagiarism is a crime. I am the author of the fol...