Foreword

9 1 1
                                    


Sa panahon ngayon, marami na sa atin ang hindi naniniwala sa salitang 'walang hanggan,' habang ang ilan ay nawawalan na ng ganang umibig. Ang kabataan ngayon, hindi ko naman nilalahat, ay walang ibang ginawa kung hindi ang paglaruan ang damdamin ng isa't isa — o sa madaling salita ay 'ginagawa na lamang nila itong laro.' Huwag kayong magalit dahil iyon ang totoo.

Ako, isang binatang ang puso ay makaluma, kung inyong tatanungin ay mas gusto ang panahon ng ating mga lolo at lola. Hindi na bago sa atin na bata pa lamang sila ay mayroon na silang asawa; ngunit hindi tulad ngayon ay nagtatagal sila, at umaabot pa hanggang sa kanilang huling hininga.

Napakasaya lamang isipin na ang kahirapan sana ng kanilang pamumuhay ang siyang magwawakas sa kanilang pagmamahalan, subalit ito ang siyang naging kadahilanan kung bakit mas tumibay ang taling kanilang kinakapitan. Sana isa rin ito sa mga namana natin sa kanila. At saka isa pa, noong panahong iyon ay nagtutulungan ang bawat isa. Ika nga, 'Ang laban ng isa ay laban ng lahat.'

Naisipan kong magsulat ng isang akda kung saan ipinapakita ang tunay na tiwala at pag-ibig kahit na napakalaki ng suliraning kanilang kinakaharap. Ito ay pinamagatang MIENTRAS ESTÁ VIVO (HABANG MAY BUHAY) kung saan isang dalaga ang matagal na panahong nawalay sa kaniyang irog nang sumapi ito sa kilusang Guerrilla kung saan, sila, kasama ng mga Amerikano, ay ipinaglalaban ang bansang Pilipinas laban sa mga Hapones na sumakop sa ating bansa.

Nawa'y makapulot kayo ng aral sa nobelang ito.

— J. M. Santos

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mientras Está Vivo (Habang May Buhay)Where stories live. Discover now