paliwanag ni bebeng at iiling-iling nalang ito sa kaniyang pinsan.

"so ano bebeng gusto mo ba one day ipagluto kita?"

muli ay tanong ni jake kay bebeng habang kumakain kami.

"uhmmm--- sige ba.. para naman matikman ko din kung gaano ka kasarap magluto diba"

agad na pagpayag ni bebeng at ibig ko nalang uli ang mapamaang dito dahil sa kay dali siyang yayain at bola-bolahin ng bago niyang manliligaw... so ano ang ibig sabihin nito? agad bang nagkakagusto si bebeng sa jake borromeo na ito kaya kahit anong sabihin ng bagong manliligaw niya e palagi lang siyang oo ng oo.

"oo naman, tiyak na masarap talaga akong magluto. lalo na kung para sayo.. mas lalo kong gagalingan at sasarapan yung niluluto ko para naman diba hindi ako mapapahiya sayo.. anyway, ano bang gusto mong lutuin ko? ano ba ang paborito mo?"

pagmamalaki pa uli ni jake kay bebeng sabay tanong sa huli. gusto ko nalang ang mapailing dito dahil sa kadaldalan niya. sabi nung matandang lalaki kanina kay bebeng ng ibigay nito sa kaniya ang mga bulaklak at prutas, torpe daw si jake kaya hindi pa magawang magpakilala sa kaniya. pero bakit sa nakikita ko ngayon e mukhang kabaligtaran yung sinabi ng matanda?

"paborito ko ang pork chicken adobo, kaya mo bang lutuin yun?"

sagot ni bebeng kay jake.

"pork chicken adobo? oo naman.. sige yun ang lulutuin ko para sayo. basta sabi mo yan ha. wala ng bawian. isa sa mga araw na ito ipagluluto kita"

"oo promise, ako pa kapag sinabi ko ginagawa ko talaga at tinutupad ko"

sabi pa ni bebeng at nag-usap nalang ng nag-usap ang dalawa na para bang wala kami ni kulas na kasama nila hanggang sa matapos ang hapunan.

BEBENG....

"Alam mo natutuwa ako na sinakyan mo yung mga ginagawa ko at sinasabi ko sayo kanina. ang akala ko talaga hindi pa nasasabi sayo ng dalawa mong pinsan yung planong pinagkasunduan at pinagusapan naming tatlo. kanina kasi ng haranahin kita at ng makita mo kami ng tropa ko parang nagtataka ka talaga sa pagdating namin at ginagawa ko sayo"

saad ni jake ngayong nasa labas na kami ng gate ng bahay namin at inihatid ko nga siya sandali para lalong pagselosin si Red.

"alam mo ang totoo talaga niyan wala akong alam ng makita ko kayo ng mga kaibigan mo kanina, ang ibig kong sabihin e hindi pa talaga nasasabi ng dalawang pinsan ko yung tungkol sa mga pinagusapan ninyong plano. kanina lang nabanggit sakin ni kulas ang tungkol sa plano niyo, yung time na kasama ko siya sa kusina at naghahanda kami ng meryenda"

sabi ko kay jake at mukhang nagulat naman ito sa nalaman.

"talaga, doon mo lang nalaman? kaya naman pala nung hinarana kita mukha ka talagang nagtataka. but anyway, im glad na nasabi na sayo ng pinsan mo ang tungkol sa napagusapan naming plano at hindi ka din nagalit sakin. alam mo---- sana naman umamin na yang Red na yan sayo.. honestly, yung hitsura niya mukha talaga siyang may pagka-playboy pero parang sa hitsura lang niya yun, i mean, pagdating kasi sayo ang torpe torpe niya"

"talaga? sa tingin mo natotorpe lang talaga siya? sa tingin mo may gusto din kaya siya sakin?"

alanganin ang hitsurang tanong ko kay jake dahil sa sinabi nito.

"yung lalaking Red na yun? oo naman noh, obvious na obvious may gusto talaga siya sayo.. kanina napapansin ko habang naguusap tayong dalawa, ang sama ng tingin niya sakin. parang gusto na niya akong sugudin at suntukin dahil sa selos niya"

walang pagdadalawang isip na sagot ni jake sakin at napapangiti nalang ako sa sinabi nitong yun.

"seryoso ka? di nga? sa tingin mo may gusto talaga siya sakin at pinagseselosan ka niya?"

Ang True Love Ni BebengHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin