Chapter 2 - Second Sign

81 1 7
                                        

-You're always on his mind-

Agad na itinago ni Antonette ang notebook sa likod niya. Nasa harapan niya ngayon si Vee-R na halatang nagtataka.

"Tapos ka na pala?" naiilang na tanong niya.

"Oo, ba't nandito ka pa? Diba sabi ko mauna ka nang pumasok?"

Hindi siya mapakali dahil baka narinig ng binata ang sinabi niya. Nais niya sana itong tanungin pero ayaw bumuka ng bibig niya.

"Tara na?" yaya sa kanya ni Vee-R.

"Wa-wala ka bang narinig kanina?"

"Huh? Wala naman, bakit?"

"Aah, wala. Tara na pasok na tayo."

Pumasok na sila sa classroom pero balisa pa rin siya. Ibinalik na lang niya ang notebook sa bag. Habang abala siya sa pag-iisip nang nangyari kanina ay bigla na lang may tumamang eroplanong papel sa ulo niya. Pinulot niya ito sa sahig at hinanap kung sino ang may gawa no'n.

Nakita niya si Bench sa upuan nito na gumagawa pa ng isang eroplano at nang matapos na ito ay ipapalipad na naman sana nito ito sa kanya pero hindi nito nagawa dahil pinandilatan niya ang binata ng kanyang mga mata.

"Nakakaaliw talaga kayong tignan ni Bench, para kayong aso't pusa," patawa-tawang wika ni Vee-R.

"Mongoloid lang talaga 'yun."

Mayamaya pa ay may naramdaman na naman siyang may kung anong dumampi sa ulo niya. Tumayo siya at liningon ang nakikipagtawanang si Bench.

"Peste ka talaga Benjamin! Hindi ka ba titigil sa pagpapalipad mo ng eroplano?"

Napalingon naman sa kanya ang binata na waring nalilito sa mga sinasabi niya. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo, Aning?"

"Ewan ko sa'yo! Pakamatay ka na nga!" aniya at umupo ulit.

"Walang ginagawa sa'yo si Bench. Ako 'yun, may tinanggal lang akong dumi sa buhok mo kanina," naka ngising wika ni Vee-R.

Napalingon siya sa katabi. "Hindi si Bench?"

Lumingo-lingo naman ito bilang sagot. Napalingon tuloy siya kay Bench na naka pangalumbaba at naka kunot ang noo.

"Bench!" tawag niya kaya napalingon naman ito. Nag-peace sign siya at ngumiti na parang pusa.

***

Dalawang araw ng hindi pumapasok si Storm kaya nag-aalala na si Antonette kung ano ang nangyari rito. Plano nga niyang bisitahin ito mamaya pagkatapos ng klase.

"Antonette!"

Napalingon naman siya sa tumawag sa kanya. Si Vee-R iyon na naglalakad papalapit sa kanya.

"Oh?"

"Kanina pa kita hinahanap eh," anito nang makalapit na sa kanya.

"Huh? Bakit mo naman ako hinahanap?"

Natahimik naman ito bigla na animo'y hindi alam kung ano ang isasagot.

"Ha? Wa-wala naman. Naisip lang kasi kita," anito na parang nahihiya. Napakamot pa ito ng ulo.

Sumikdo bigla ang dibdib ng dalaga. Naalala niya ang isa pang sign. You're always on his mind. Pero naisip naman niya na kailangan pa niya ng ibang pruweba na iniisip talaga siya ng binata.

"May pupuntahan ka ba after class?" tanong nito.

"Pupunta ako kay Storm, dalawang araw na kasing hindi pumapasok."

"Gano'n ba?"

"Bakit?" balik tanong niya.

"Ah wala. 'Yung tungkol nga pala kahapon, 'yung tinanong mo ako kung ano ang mas masarap kung adobo o sinigang, para sa 'kin mas masarap ang sinigang."

Natawa naman siya sa sinabi nito. Hindi kasi nila natapos ang pinag-uusapan kahapon sa canteen.

"Oh? Ba't ka natatawa?"

"Wala. Naalala mo pa pala 'yun."

"Oo naman. Nagpaluto pa nga ako kagabi sa bahay ng adobo at sinigang para masabi ko sa'yo 'yung sagot."

"Talaga?"

"Oo naman!"

Natawa nalang siya. Hindi niya alam na may ganoong side pala ang binata.

"Oh sige, diyan ka na muna, Aning," wika nito at umalis na.

Hindi niya alam kung bakit kapag si Vee-R sa kanya ang tumatawag ng Aning, hindi siya naiinis. Kinuha na lang niya ang cellphone niya at nag-facebook.

Paano mo malalamang lagi kang iniisip ng isang tao?

Iyon ang stinatus niya sa FB. Matapos ang limang minuto ay mayroong nag-comment.

STORM APOSTOL: Kilala ko 'yang tinutukoy mo 'te. Pero malalaman mo na iniisip ka ng isang tao kapag lagi ka nitong tinetext, kapag may mga hindi kayo natapos pag-usapan at inopen niya ito the next day. Ibig sabihin lang no'n, hindi ka maalis sa isip niya kaya pati mga ganoong bagay ay inaalala niya.

ANTONETTE ROBLES: Loka! Dami mong alam. Punta ako sa inyo mamaya.

Matapos i-post ang comment ay naglog-out na siya at pumasok sa klase. Mamaya na lang niya kakausapin si Storm tungkol sa mga signs.

Himala yata, walang masamang elemento ang gumagala rito. Nasaan kaya ang isang 'yun? kausap niya sa sarili na ang tinutukoy ay si Bench.

Naabutan niya sa loob ng classroom si Vee-R na naka-upo na sa upuan, tumabi na siya rito.

"O? Nandiyan ka na pala," anito. Ngumiti lang siya. "Para pala sa'yo."

Nagulat naman siya nang may inabot sa kanya ang binata.

"Ano 'to?"

"Tignan mo kaya."

Binuksan naman niya ang maliit na paper bag na may lamang mga romance novels. Nagtaka naman ang dalaga kung para saan ang mga 'yun.

"Ano'ng meron?"

"Wala naman, naiisip lang kita no'ng makita ko 'yan kahapon sa mall. Sabi mo kasi mahilig ka magbasa ng mga romance novels," anito na naka ngiti.

Naisip lang kita, parang sirang plakang paulit-ulit na nagre-rewind sa isip niya ang mga sinabing iyon ni Vee-R.

***

Pagkatapos ng klase ay agad na tumungo si Antonette sa bahay ng bestfriend niya. Dere-deretso itong pumasok sa kwarto ng kaibigan. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang mga walang lamang cheese curl packs at mga coke in can.

"Ay 'te! Ang jubis mo na," bati niya kay Storm na nakasalampak sa kama nito habang nagiinternet.

"Gusto mo?" tanong nito habang punong-puno ng chips ang bunganga.

"Ano ba'ng problema mo?" Lumapit siya sa kaibigan.

"Gaya ng dati," walang anong sagot nito.

"Grabe ka talaga kapag inatake ng katamaran!"

Ganoon talaga si Storm kapag tinatamad ito pumasok ng paaralan. Magkukulong lang ito sa kwarto nito at kakain ng kakain. Allien yata ang kaibigan niyang 'to.

"O? Anong atin? Ba't napadpad ka rito?"

Ikinuwento niya sa kaibigan ang mga nangyari. 'Yung tungkol sa adobo at sinigang pati na rin 'yung tungkol sa pagbigay sa kanya ng mga novels.

"Akin na 'yung notebook," saad ni Storm na napaasyos ng upo. Ibinigay naman niya rito ang hinihingi.

"Taray 'te! Ten signs that Vee-R likes Me. Desperada ka na talaga," anito nang mabasa ang nakasulat. "Oh ba't isa pa lang 'yung may check?"

Kumuha ito ng ballpen at nilagyan ng check ang isang sign. You're always on his mind.

"Ayan, may dalawang signs nang nagagawa si Pareng Vee-R. Walo na lang."

"Magagawa niya kaya 'yung mga ntitira?"

"Manalig ka lang girl, umpisa palang 'to."

*

10 SIGNS [Completed]Where stories live. Discover now