"Salamat po Tito.. good evening po Tita." Nagbeso ako sa kanila bilang pagbati. Malugod naman nilang tinanggap.

"Good evening din sayo Hija.. halina kayo guys. Nakaganda na ang dinner natin." Tugon ni Tita bago bumaling sa anak niyang panganay. "Denden dalhin mo na ang mga kaibigan mo dito."

"Yes Ma.." Sagot naman ni Pards kabuntot ang dalawang kumag na nauna na pala sa akin na sina Ketchup at Tom. Hindi na raw nakasunod si Gael dahil may event raw itong pinuntahan.

"Uy, tol!" Bati sa akin ng dalawang tukmol.

Tumango lang ako at nakipagfist bump sa kanila.


Jade's POV

Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Nathalie. Nakakainis malaman na nakikipaghalikan noon si Althea sa kanya.

Marahil nagtataka na si Althea sa mga ikinikilos ko. Hindi ko kasi sinasagot ang mga tawag at text niya. Ngunit bakit nga ba? Hindi ko rin alam eh. Namimiss ko naman siya. Hayst! Ano ba kasing pinoproblema ko?

"Hi Jade.. Okay ka lang ba?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko. "Mukhang malalim ang iniisip mo."

Nakaupo kami sa buhanginan na malapit sa tabing dagat. Pauwi na rin kasi kami ng Manila maya-maya.

"Hmm.. oo eh. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Tama ba na mag-open ako sa kanya? Eh ex boyfriend ko siya. "Uhm.. Sorry Ivan. Sige mauuna na ko sayo." Ngunit bigla niya akong pinigilan.

"No Jade! Stay here and tell me. Kung hindi man maibalik ang dating tayo. Sana ituring mo man lang ako kahit kaibigan." Anitong nagsusumamo ang tinig.

Nag-isip muna akong sandali bago bumalik sa pag-upo. Siguro kailangan ko rin talaga ngayon ng makakausap. Bahala na! "I'm inlove with someone else Ivan." Panimula kong sabi sa kanya.

Napansin kong napalunok siya at malungkot na napatungo.

"Whoever he is Jade. He's so lucky to have you. Pinagsisisihan ko talaga na nawala ka sa kin." Mapait na napangiti siya sa akin.

"No Ivan! Ako yata ang maswerte sa kanya eh." Sabay sulyap ko ulit sa kanya. "Mahal na mahal niya ako pero hindi ko masuklian ng sapat ang pagmamahal na inuukol niya sa kin."

"Bakit, ano bang ikinatatakot mo? Kung mahal ka niya at mahal mo rin siya. Ano pang problema?"

"Ivan kasi ano.." Nag-iisip ako kung aaminin ko sa kanya ang totoo. Nag-alalangan ako na baka husgahan niya ako at biglang pagtawanan.

"It's okay Jade. Sige sabihin mo na. Tutal tanggap ko na rin naman na hindi ka na babalik pa sa akin eh."

Huminga muna ulit ako ng malalim at bahagyang napalunok. "Babae siya Ivan. Babae ang ginugusto ko ngayon." Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"W-what? You must be kidding Jade." Kunot ang noo at tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Wala sa itsura mo ang maging... oh god! Pano nangyari yon?"

"Hindi ko rin alam Ivan. Mga bata palang kami ay may gusto na siya sa akin. Matagal siyang nawala kaya akala ko nakalimutan niya na ako."

"So how about PJ? Akala ko may mutual understanding na kayo kasi palagi kayong nahuhuli ng mga paparazzi na nagdi-date."

"He's a good friend. Wala akong masabi sa taong yon dahil sobrang napakabait. Napakaswerte ng taong makakatuluyan niya."

"Jade mahal mo ba talaga ang babaeng sinasabi mo?" Tila hindi pa rin talaga siya makapaniwala. "Look at yourself Jade. Babaeng-babae ka eh."

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now