Itago nyo na lamang akong sa pangalang maggie, Nasanay ng laging magisa walang kaibigan sa lugar man namin o sa skwelahan.
Masyadong madamot ang tadhana para bigyan ako ng kahit isa na maituturing kong kaibigan. Laging nagiisa nasa sulok. Kadalasang di napapansin ng karamihan.
Nasanay na man akong magisa pero pakiramdam ko ako na lang talaga ang ganun. Minsan naiinggit ako sa iba na maraming matatawag na kaibigan. Di sa nakakainis sila dahil may mga kausap sila tuwing recess pero ung kasayahan na meron sila. Mga tawanan mga hagikhikan mga masasayang pangyayari na maibabahagi nila. Dun ako naiinis. Paguwi ko ng bahay sermon at away ng mga magulang ko ang madidinig. "Oh maggie bat alas sais ka na naman umuwi ah?" Galit na tono ng aking ina.
"Ma. magrereport kase kami sa susunod na linggo kaya di ako nakapagpaalam na gagabihin ako". Pagsisinungaling ko.
Report! report! report! lagi nalang report ang nadidinig kong mga dahilan mo? *Sabay hampas sakin ng hanger na dala nya*
Umakyat ka sa kwarto at wag na wag kang lalabas. Di ka kakain naiintindihan mo? Sabay balibag sakin patungong hagdan pataas.
Nakayuko ako pàakyat ng hagdan habang lihim na nagtatawanan ang mga kapatid ko sa nasaksihan nilang nakakatwang pangyayari. Dumeretso ako sa kwarto binagsak ang aking bag at nilock ang pinto. Dun na ko simulang umiyak ng umiyak. Namantal ang hampas ni inay na hanger sa aking hita at braso. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong anak. Oo di totoong may report kami. Pumupunta ako sa sementeryo at dinadalaw ang kaisa isang taong nakakaintindi sa nararamdaman ko.Un yung tatay ko. Umiiyak ako sa twing naalala ang nangyaring pagkakapatay sakanya. Minsan di ko mawari pero sobrang lungkot ko talaga twing naaalala ko kung gaano kawalang puso ang sumaksak sa tatay ko. Masyadong brutal ang ginawa sa kanya. Gusto kong hanapin ang taong pumatay sa kanya pero ewan. Natatakot ako sa mga pwede kong magawa. Kumuha ako ng blade na nakatago sa cabinet ko. At nilaslas ko ang pulso ko. Araw araw gumuguhit ako ng isang linya sa mga ito. Napapawi nito Ng sakit na nadarama ko pisikal man pati emosyonal. Tinatakpan ko làng ng mga bracelet para di mahalata. Lalo na ng iba.
DU LIEST GERADE
Her last words
SonstigesDo you feel so damn alone? Do you feel the same thing i feel? Well if you do then you must read this.
