Simula at Katapusan

4K 183 94
                                    

Naalala ko na kung bakit ko biglang nailabas ito. Saktong isang taon na nung huli naming pag-uusap. Isang taon na pinilit lumimot. Isang taon na pinilit ibinaon sa wala ang lahat. Gaya ng ginawa niya sa akin.

Pero hayaan nyo ako ilabas ito at baka sakali pagkakita namin, kaya ko na siyang ngitian. Kaya ko na ipakita na wala na. Kaya ko na makalaya.

Ang kwentong ito ay isang mahabang salaysay ng isang nararamdaman na itinago ko dahil hindi naman nabigyan ng saysay.

One-sided. Gasgas. Nakasanayan. Masakit.

Ito ang kwento naming dalawa na kailanman ay hindi nagsimula.

-

Ako yung klase ng tao na madali mong makakausap. Mabarkada ako, matropa, people-person. A ball of energy. Ako yun.

Kumpyansa ako sa communication skills 101 ko. Kaya nung nireto ng isa kong kaibigan ang bestfriend ng boyfriend niya. Okay lang sa akin. Madali kasi ako kausap at alam ko na kung okay, magiging kaibigan ko siya kahit hindi kami magkakilala pa.

Matagal na nya yun nirereto pero may girlfriend kaya di ko pinapansin. Hanggang isang araw, sinabi nya na hiwalay na daw yung dalawa. Baka sakali na eto na.

Hindi ko maalala ang mukha niya pero nung sinend ng kaibigan ko ang picture niya. Agad-agad kong sinabi 'Teh, pak keri!'

Itago natin siya sa pangalang JD.

Tall, dark and nerdy good boy next door type of guy. Ayun si JD.

Kinabukasan nagulat na lang ako ng chinat ulit ako ng kaibigan ko, inaadd daw ako ni JD pero puno account ko. Naku 'Day! Pasensya na sa arabo kong nabura nun mai-add lang si JD.

Dub. Dub. Dub.

Ang tindi ng kaba ko nung inadd ko sya tapos ilang oras lang inaccept nya ako.

Dub. Dub. Dub.

Ano pabebe pa ba ako? Ako na ba mauunang magchat? Pero juske ako na nga naunang mag-add, ako pa din mauunang magchat?

Pero ilang saglit pa, nawala ang kaba nang mabasa ko yung una nyang message sa akin.

Hi.

Simpleng 'Hi' lang pero pakiramdam ko noon, tumalon ang puso ko. Para akong bumalik sa highschool. Literal na nahampas ko ang katabi ko sa kilig. Hindi ko maexplain pero yung 24 years old self ko na nagmature ay bumalik sa pagiging pbb teens nya.

Hanggang pinili ko dugtungan ang simpleng pagbati. Namalayan ko na lang kausap ko siya buong maghapon.  At sa pagtulog ko nabasa ko ang status niya.

'All I can do is to smile while looking at your pictures.'

Pero pinili ko hindi magreact. Pero heto na naman ang puso ko. Umasa ng konti.

Ilang araw pa magkausap kami. Unti-unti nakikilala ko siya at nakikilala ko ang sarili ko. Nakahanap din ako ng taong malalim. Yung taong gusto ko pa tingnan kung gaano siya kalalim. Gusto ko siya makilala pa. Psych major siya at nagagamit niya iyon para huliin ako. Hahaha.

Ilang beses akong hindi nakalusot sa kanya. Kung paano ko nalaman na Psych major siya, na graduate sya sa Baguio etc etc. Lahat yun nalaman ko dahil dakilang stalker ako. Haller? Umamin kayo, nakaya nyo na ding magstalk hanggang sa 2010 post ng crush nyo hahaha. Ang dami kong palusot.com pero walang ubra, nahuhuli niya ako.

Nahuhuli niya puso ko.

Ang hirap magbalanse noon. In 3 months time, board exams ko na. Pero heto, nababaliw ako kakaisip kung bakit di sya makareply agad imbis na inaaral ko noon ang Negotiable Instruments. Kung ano ang ibig sabihin ng mga posts nya pero hindi ko pa din magets noon ang Consolidation.

The Story of Us That Never Was.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon