Sa 'di inaasahang pagkakataon,
Tayong dalawa'y pinagtagpo ng pahanon.
Walang pansinan, walang imikan,
Bigla-bigla na lang may nabuong pag-iibigan.
Paano? Paano nangyari iyon?
'Di ko rin alam! Basta na lang naging ganoon.
Isang araw, ika'y nagparamdam,
Hindi ko inaasahang ito'y magtatagal.
'Di maiiwasang mayroong ilangan sa umpisa,
Nagsimula muna tayo sa hi, hello, kumusta ka?
Hanggang sa tayo'y naging komportable na sa isa't isa,
Araw hanggang gabi, nag-uusap, walang sawa.
Ngunit...anong nangyari?
Ika'y nagbago, dahila'y di mawari.
Tinanong kita, hinihingi iyong paliwanag,
Pero ano ang iyong sinabi? Tama na, 'di ka na masaya!
'Di ko alam aking mararamdaman,
Tatawa ba? O iiyak na lamang sa sakit na nadarama.
Iniisip kung ano ang aking mga pagkukulang,
O sadya bang may iba ka ng mahal?
Gaano na ba katagal simula nung akala kong mayroong 'tayo'?
Isang taon na ata, pero bakit 'di pa rin ako makamove-on?.
Ibalik mo na sana, puso kong iyong kinuha,
Ng makawala na sa akala kong 'tayo' na ako lang pala ang nagmahal mag-isa.
YOU ARE READING
Short Poems (Compilation)
RandomNote: These poems just randomly came up to my mind. Some maybe real experience or may not.
