Ang tagal naman ng oras. "Hayy!" I sighed because of severe boredom. Kung kelan pauwi na at 15 minutes na lang ang natitira saka naman bumagal ang takbo ng oras. Huling subject na bago maguwian. Bakit ba kasi ginawa pang mandatory ang Life and Works ni Rizal.
I kept on looking at my watch, counting every tic tacs from it. 15 minutes seems like 15 years to me right now. Argghhhh!
"Inip much?" bulong ni Xavier na nasa tabi ko.
"I have a meeting after class my friend." sagot ko sa kanya.
"With loverboy Carl?" tanong niya na may napaka lapad na smile sa mukha na kala mo eh nanunukso.
"Yes.." tipid kong sagot. "And he's not my lover." dagdag ko sabay irap.
"Class be ready for the final exam, after the final exam next week ay sembreak na." sabi ng professor namin.
"Yooooooooooooon!" sabay sabay na sigaw ng mga classmate ko na excited na sa bakasyon.
Hayy salamat natapos na rin ang klase na ito. Dinampot ko lahat ng gamit ko mula sa upuan at tumungo palabas ng pinto ng classroom.
"Bakit ka ba nagmamadali eh 3pm pa lang?" tanong ni Xavier na hindi ko namalayang nasa likod ko pala.
"I have a meeting with Carl. Ngayon ko ipapakita sa kanya lahat ng Design na ginawa ko for his Resto." paliwanag ko kay Xavier at muling naglakad sa hallway.
"Eh bakit mukhang worried ka? O Excited?" si Xavier ulit.
"Baka kasi hindi niya magustuhan." alalang sabi ko habang pababa na ng hagdan.
"Gusto ka nun." sabay kalabit sa tagiliran ko.
Baliw talaga 'tong kaibigan ko na 'to. Kahit alam na nila ni Christian na kami na ulit ni Raymond eh tinutukso pa din nila ko kay Carl na as if may gusto sa akin si Carl at as if hindi nageexist si Raymond sa buhay ko.
"Sira Ulo!" sabi ko sa kanya at binatukan siya ng malakas.
"Ang brutal mo my friend." sabi ni Xavier habang kinakamot kamot ang ulo niya,
"May progress na ba yung the moves ni Papa Carl?" pangungulit pa niya.
Kita mo talaga si Xavier. Kala mo Cupid in the making. Grabe kung mag-match ng couple. Yung totoo ano ba pinakain ni Carl sa kanya at panay ang tukso niya sa akin para kay Carl?
"Wala. We don't talk about personal matters.." tipid kong sagot. Naalala ko nanaman yung araw na nakita niya kami ni Raymond. Nag-aalala pa din ako na baka isumbong niya ako kay Papa.
Paano ko ba siya papakiusapan na wag niyang sabihin kahit kanino? Though he told me na it will be our secret hindi pa din ako kampante. PAano ba ako makakasiguro? Hindi pwedeng malaman ni Papa ang sa amin ni Raymond. Not now. Hindi sila pwedeng madisappoint sa akin. Mahal ko ang parents ko at ayaw ko sila nakikitang malungkot. But I love Raymond as well.
Bakit ba kasi hindi na lang nila magustuhan si Raymond? Nagbago na siya. He became a better man. Nakikita ko 'yun. He's been trying so hard to show me how much he loves me. Mas marami na siyang time for me. Unti unti bumabalik yung tiwala ko sa kanya. He even became sweeter this time. Mas naging thoughtful siya. He never fails to text me and call me everyday kahit na hindi kami gaanong nagkikita.
"Hoy Stepanyang!" sabi ni Xavier habang winawagayway ang kamay niya sa harap ng mukha ko. "Anong drama mo at natutulala ka dyan?"
"Wala ang gwapo mo kasi nakaka star struck.. Hahaha!" biro ko sa kanya. Hindi ko masabi kung ano yung nasa isip ko. Saka na lang.
"Yan gusto ko sayo may friend eh, you're too honest." sabi ni Xavier with matching dashing smile on his face.
"Dahil dyan ililibre mo ko." kantyaw ko sa kanya sabay beautiful eyes.
