Bukas ang bintana. So kahit paano ay may hanging pumapasok sa loob. "Bakit naiinip ka na ba? Napapagod ka na bang manligaw?"

Marahas na napabuntong hininga ako bago ako muling sumagot. "Hindi naman sa ganon Bibi. Look natulog ka na ng ilang beses sa condo ko na katabi ako. Well atleast kahit papaano ay magkaroon na tayo ng label. Hindi yong parang tayo pero hindi pa pala."

Tumingin siya ng tuwid sa mga mata ko at pagkatapos ay napangiti. "Mahigpit akong maging girlfriend. Baka masakal ka sa kin."

Ako naman ang napangiti sa sinabi niya. "Walang problema sa akin Bibi. Gagawin ko lahat para sayo."

"Baka hindi mo kayanin ang topak ko sa tuwing naiinis ako."

"Kakayanin ko lahat Bibi.. Mahalin mo lang ako."

"Ayokong may ibang nagkakagusto sayo Althea."

Napabunghalit ako ng tawa sa sinabi niya. "Bibi naman.. Paano ko naman pipigilan yon?" Napasimangot siya akin, umingos at nag-cross arm. Halata sa mukha ang pagkairita. Kaya tumigil na ako sa pagtawa at lumapit sa kanya. "Ako rin Bibi.. ayokong may ibang nagkakagusto rin sayo." Malambing na niyakap ko siya. Napangiti ulit ako nang gumanti siya ng yakap sa akin.

"It's not the right time to say yes to you Althea. Gusto kong gawin iyon sa isang special na araw na hindi mo ineexpect."

"Okay, sure mahal ko. Alam ko namang mahal mo na rin ako eh. Nagpapakipot ka lang sa kin." Kinurot niya ako sa aking tagiliran kaya't napaigtad ako. "Aray! Bibi masakit yon ha?"

"Lumabas na nga tayo dito." Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap ko. Ngunit ayaw ko siyang bitiwan.

"Nah! Mamaya ng konti Bibi. Hmm.. Ang bango mo eh. Sarap-sarap mong yakapin. Amoy baby.." Isiniksik ko pa ang mukha ko sa leeg niya.

"Althea ano ba!" Aniyang medyo nakikiliti sa ginagawa ko. "Baka kung anong isipin nila. Kanina pa tayo dito eh."

"Wala akong pake.." Nangingiti kong tugon sa kanya.

"Kailangan mo pang harapin si Gael tungkol sa order ninyong furniture."

Nag-init ang ulo ko pagkarinig ko sa pangalan ng siraulo kong kaibigan. "Kukuha na lang kami sa iba."

"Subukan mong kumuha sa iba Althea. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

Natakot naman ako kaya binitiwan ko na siya. "Bibi gusto ka niyang ahasin sa akin. What do you expect?" May halong inis kong sabi sa kanya.

"But it was my fault and I feel so guilty. Kung hindi ko siya hinalikan ay hindi niya maiisip na ligawan ako."

"Tsk! Matagal na siyang may gusto sayo. Ah basta! Ayoko nang makita pa siya. Kaya ika-cancel na namin ang pagkuha ng mga furnitures sa kanila."

"Okay, I have nothing to do then. Alam ko namang ikaw pa rin ang masusunod. Sige aalis na ako."

Maagap na napigilan ko agad siya sa braso. "Oh, God! Ang hirap ng ipinapagawa mo sa kin. Pero dahil mahal kita. Sige susundin ko ang gusto mo. Pero kung sakaling magback out siya ay hindi ko na siguro kasalanan yon."

"Althea ayokong ako ang maging dahilan upang masira ang pinagsamahan nyo. Kaya ko naman siyang iwasan kung iyon ang ikinatatakot mo eh."

Marahas na napabuntong hininga na lamang ako. Ano pa bang magagawa ko?



Jade's POV

Masaya ako na napagbati ko sina Althea at Gael. Bumalik na kasi ang closeness nilang dalawa.

"Tol sorry ulit ha? Alam mo namang crush ko rin yang si Jade noon pa."

"Hoy! Teka bakit hindi ko yata alam yan?" Singit ko sa kanilang usapan.

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now