Memories 1

1.1K 47 5
                                    


"Janice tignan mo oh! Daming Pogi!" Bulong ko kay janice, Kasalukuyan kaming nasa Mall at nagpasama ang bff si janice sa National Book store para daw bumili ng bagong libro nang paborito niyang Author Sa Wattpad

Ay naku pati ako nawiwili na rin sa pagbabasa, nahahawa na ko sa kabaliwan niya

"Yan tayo ei napaka Linaw ng mata pag may Pogi!" Tinarayan ako ni janice at bumalik ulit siya sa paghahanap ng mga libro na magustuhan niya

"aba natural! Minsanan na lang makakita ng mga pogi dapat lubos lubusin na natin..."Reklamo ko sa kanya... Busy si janice sa pag hugot ng mga libro habang ako eto echos echos na naghahanap din at pasulyap sulyap sa mga gwapo

"Naghahanap ka pa ng Pogi ei sa Campus natin madami na ah!" Sabi ni janice.

Napatingin ako kay janice

"No way"nakakasawa ang mga mukha nila paulit ulit nalang, gusto ko yung mga Bagong Mukha, yung Fresh sa paningin ko, yung ngayon ko palang nakikita

Bago ko ituloy ang Paghahanap ko ng mga pogi magpapakilala muna ako

Im Cristine Gonzales Call me "Tin" in short at ang best friend ko naman ay si Janice Torio, naging magkaibigan kami noong Highschool ako, ayon ang kwento niya sa akin.

Tama kayo ng nabasa, ayos sa kwento niya sa akin

Bakit kamo?

Sa totoo lang wala akong maalala noong ako'y nag highschool kahit nga ang pangalan ko hindi ko alam noong gumising ako... Ang kwento sa akin ni Mama Lina, Naaksedente daw ako kaya nawala yung alaala ko, halos mag Iisa't kalahiting taon na rin noong na aksedente ako.

Noong nagising daw ako tulala lang ako walang tumatakbo sa Isip ko kundi Blanko ang lahat lahat... Tanging si Mama Lina lang ang nagmulat sa akin para ipakilala ulit ang Mundo ko.... sinabi niya sa akin na Cristine ang pangalan ko at siya ang nanay ko..

Isang buwan ang tinagal ko bago ako nakarecover, sabi ko sa sarili ko noong mga sandaling yon Bubuo ako ng mga alala at pipilitin kung muling makaalaala dahil sa nakikitang kong sitwasyon ni Mama Lina, Mahirap lang kami. Tanging pagtitinda lang sa palengke ang Kinabubuhay naming mag Nanay, Wala narin akong Tatay Iniwan niya kami noong bagong silang ako, ayan ang sabi ni Mama Lina. Nalulungkot ako minsan para sa Sarili ko... Sariling alaala ko hindi ko maalala, miski man kung ano yong mga hilig ko at kung ano yung mga kinaiinisan ko hindi ko rin maalala

"Hoy Tin, bakit natulala ka jan!" Kalabit sa akin ni Janice, hindi ko rin namalayan na napatulala na lang ako sa kawalan,

Napahawak ako sa tyan ko kasi Nakaramdam ako ng biglaang paghapdi ng Tyan ko...

Parang.....

"Natatae na ako janice! Ang tagal mo naman kase ei, tignan mo oh? Tumataas na balahibo ko, taeng tae na ko!" hindi ako nag papalusot, totoo tong nararamdaman ko, totoo itong bugso ng puwetan ko.

"Wag ka ngang manloko!"Sabi ni janice..

Mukha ba akong nagbibiro?

"Walang halong biro Lalo lang akong natatae sa lakas ng Aircon dito!" Namimilipit na ako sa bugso ng Puwetan ko..

"Oh sige na bibilhin ko na to! Tumakbo ka na muna sa Malapit na CR. Aantayi na lang kita sa Labas.." Sabi ni Janice...

Pagkasabing pagkasabi ni janice noon tumakbo na ako sa kung saan para mailabas ko na tong nagwawala sa Tyan ko...

----------------

Palabas na ako ng Mall at kasalukuyan kong hinahanap si Janice
Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran

"I miss you Girl! saan ka nagsususuot?" Sabi nung babaeng nakayakap ngayon sa Likuran ko... Kinabahan ako bigla

Hindi si janice ang babaeng to...

"Hinanap k-..." Hindi niya na natapos ang Sasabihin niya Dahil tumakbo na ako ng napakabilis.. ang kabilin bilan sa akin ni Mama Lina, wag akong magtitiwala sa taong hindi ko kilala, dahil may agenda daw sila na kinukuha ang mga Dalaga at ibebenta nila ito sa mga Amerikano..

"Wait!!!!"Sigaw noong Babae...

Hingal na hingal ako noong nakita ko na si janice na naka upo sa may Fountain sa labas ng Mall

"Oh? Bat parang hinabol ka ng Kabayo jan?" Nagtatakang taong ni Janice sa akin

"May nangunguha ng mga Dalagita Dito dalian natin janice baka makuha nila tayo?"Nag papanic kong Sabi kay janice, ngunit sinuklian niya lang ako ng kunot niyang noo

"Ano pang hinihintay mo janice umalis na tayo habang wala pa sila" Hinila ko si janice, baka maabutan na kami noong Nagunguha ng mga dalagita

"Eto na Eto na!" sabi ni janice mukhang napipilitan siya, para naman to sa kaligtasan naming dalawa.

Nang makarating kami sa Sakayan ng ng Jeep, punuan lahat ng jeep kaya nag iinarte na ako dito at Uwing uwi na ko.

"Natatae ka pa ba Tin?"Tanong ni Janice sa akin hindi kasi ako mapakali

"HINDI AH" sagot ko, palingon lingon ako baka nasundan kami noong babae, at bigla nalang kaming Damputin

"Oh bakit ganyan yang mukha mo mukha natatae parin?" Sabi ni janice

"Kinakabahan ako janice baka makuha tayo noong nangunguha ng dalaga" Binatukan ako ni janice dahil sa Walang tigil na pag iinarte ko...

Totoo naman natatakot ako sa posiboleng mangyari.

"jan ka muna bibili lang muna ako ng Tubig para mahimasmasan ka naman!" Sabi ni janice at Iniwan niya ako sa Waiting area ng Jeep

Tinanaw ko ang Kalsada, ang daming sasakyan at ang gagara pa puro pang mayayaman ang sasakyan.

Pag ako talaga nakapag tapos bibilan ko si Mama lina yung mas malaki sa mga sasakyan nila, yung kayang lumipad pahimpapawid.

Napatingin ako sa Sasakyang huminto sa Harap ko.

Kinabahan ako bigla, baka ito yung babaeng yumakap sa akin.

Kulay itim ang sasakyan na ito at Mukhang mamahalin.

Nawindang ang Bahay Bata ko ng May Lumabas na napaka gwapong lalake mula sa Driver Seat at tumingin sa akin...

"Be-Bella?" Bigkas ng kanyang Labi...

Ako ba ang tinawag niyang Bella? Tumingin ako kaliwa't kanan para kumpirmahin

Maluha luha siyang lumapit sa akin... At noong nasa harapan ko na siya!

Nawindang ulit ako ng Binanggit niya ang mga salitang hindi ko alam ang Tamang kasagutan..

"I MISS YOU"sabay hinigit niya ako patayo para yakapin

Ang tanging Tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling Ito ay ang mga Salitang

"ANG GANDA KOOOOOOOO!!!"

-A/N

Mga bhessy support this story promise ko na magiging masaya kayo sa kwento ni Bella..

Broken MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon