"Fine, then I'm sorry," sabi ko.

"Hanggang sa pagso-sorry mo ay hindi ka sincere," sagot niya at lumabi siya.

"Bakit? Gaya ng sabi ko na kanina ay wala na rin naman kasing mangyayari kahit mag-sorry ako."

"Actually, meron but nevermind. Anyway, anong sasabihin mo?" tanong niya.

"Well, gusto ko lang linawin na wala lang 'yon, wala lang sila."

"Men!" sabi niya at umikot ang mga mata niya. Humalukipkip din siya. "D'yan ka magaling, sa "wala lang sila". Wow, as if you're God's gift to women, ang yabang mo."

"What? Teka, bakit ba ako nagpapaliwanag sa 'yo? Una sa lahat ay hindi naman kita girlfriend at wala naman akong girlfriend, wala tayong relasyon."

Napansin kong natigilan siya at ako man ay ganoon din. Wrong answer. Naikuyom ko ang palad ko. Napakagaling ko talagang sumagot, putang inang iyan.

"Sophia..."

"I see," putol niya sa sinasabi ko. "You're right. Hindi mo ako girlfriend at hindi rin kita boyfriend. Wala akong pakialam sa womanizing mo same na wala ka ring pakialam kung mag-stay man ako rito buong buhay ko. H'wag kang mag-alala, dito na rin ako magtatrabaho!" sabi niya at end call na ang kasunod niyon.

Tangina talaga, walang nangyari sa tawag ko sa kanya. Parang mas lumala pa ang sitwasyon.

"You can't be serious. Hindi ka magtatrabaho r'yan." Message ko sa kanya. Kinabahan akong bigla, baka nga hindi na umuwi 'yon.

"Okay, I said the wrong things and we may not be really in a relationship but we both know that we have something going on between us." Message ko ulit sa kanya pero hindi na siya nag-reply.

***

Isang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin ako pinadadalhan ni Sophia ng kahit anong reply. Hindi na rin siya nag-o-online sa skype.

"Hey, I miss you." Message ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa biyahe pauwi sa amin dahil nga sa pag-aaya nina Pipo at sa kagustuhan ni Jacob na dalhin si Rachel sa amin.

"Uuwi kami sa 'tin. Please come home soon. I'm sorry and I really miss you."

Napasandal ako sa sinasakyan naming jeep pauwi. Hindi na kami nagpasundo mula sa terminal dahil abala lang, isa pa ay malapit lang naman. Napatanaw ako sa labas at nakita ko iyong sa may tabing-dagat at mapakla akong napangiti.

"Sala-salabid na naman iyang buhok mo. Alam mo namang mahangin dito sa tabing-dagat pero hindi mo ipinusod iyang buhok mo," sabi ko kay Sophia.

Magdadalawang oras na kaming nakaupo roon sa may buhangin sa ilalim ng maraming puno ng niyog, naghihintay na tuluyang kainin ng dilim aang liwanag.

Hinihintay namin sina Julian dahil nag-ayang mag-bonfire daw.

"Minamadali mo ako kanina, eh. Alas siete pa naman ang usapan pero ang aga aga nating pumarito," sabi lang niya at hinawakan ang buhok niya. Inagahan ko talaga para kami na lang munang dalawa.

Kinuha ko ang panyo ko mula sa bulsa ko at itinali iyon sa buhok niya.

"'Yan, ayos na 'yan," sabi ko at ikinipit sa likod ng tainga niya ang ilang kumakawala pa ring buhok.

Nag-iwas siya ng tingin pero lalo ko lamang siyang natitigan. Her eyes were always sparkling like the stars above. Nasisinagan ko pa ang pamumula ng pisngi niya.

"Thank you."

"May bayad 'yan," sabi ko.

"Huh? May bayad pa? Itinali mo lang naman ang buhok ko."

Black WaterWhere stories live. Discover now