MUNDO: A Unique Salonga Fan Fiction

264 9 13
                                    

MUNDO

"Ilang beses ba dapat magpakatanga sa pag-ibig?"

Hindi ko na alam kung pang-ilang ulit ko na itong natanong sa sarili ko, ngayon pa lang ako nag-lakas ng loob tanungin ang ibang tao.

"Alam mo," Pagsisimula ni Ella. Ang taong nakaka-alam ng lahat ng katangahan ko sa buhay. Umayos ako nang pagka-kaupo at tumingin sa kaniya. Isang mahabang buntong hininga ang kaniyang ginawa bago nagpatuloy. I can't blame her. Nakakagago yung tanong. Pati iyong nagtanong, actually.

"Okay lang namang maging tanga. Syempre lalo na sa pag-ibig. Pero kasi bes...." she trailed off.

I smiled. "Alam ko naman, e."

"Kasi naman! Alam mo namang unreachable sila 'di ba? Siya! 'tsaka, fan ka lang. . .kahit baligtarin natin yung mundo ngayon, ang tingin lang niya sa'yo. . . . fan. Nakakatanga lang kasi, sa kanya ka lang nababaliw ng ganito."

What Ella told me kept on playing inside my head, sinipat ko iyong relo sa gawing kanan ng kwarto ko, pasado ala una na ng madaling-araw pero hindi pa rin ako makatulog.

Fan ka lang.

Fan ka lang.

Fan lang ako.

Taga suporta.

And just like that? I just saw myself crying again for all the same reason.

"Pesteng mga luha! Bakit ba ang unli niyo? Nakaka-irita na rin kayo!" patuloy kong pinupunasan ngunit patuloy din naman sila sa pagpatak, sa huli, pinabayaan ko na lang. Wala lang ding kwenta. Parang itong ginagawa ko ngayon, iiyak, masasaktan pero ayon, hindi pa rin matututo, aasa pa rin. Napakasayang buhay.

Madilim dito sa kwarto ko pero tanaw ko ang liwanag sa kapit-bahay. May pa despida ata don kaya hanggang ngayon patuloy pa rin silang nagkakasiyahan. Bakit di pagbawalan ng mga tanod 'tong mga 'to? Anong oras na! Ahh, oo nga pala, kamag-anak pala nila.

"Bwisit, di na nga ako makatulog kasi broken-hearted ako mag-iingay pa kayo."

Nagsimula na ulit akong pumikit, tapos gaya ng dati. . . . nakapikit man ako, siya pa rin itong nakikita ko. Bakit mo ba kasi ako binabaliw ng ganito? Natutuwa ka bang nasasaktan ako? Pero sino bang niloko ko, hindi naman niya kasalanan na minamahal ko siya with matching asa pa. Gaya ng sabi ni Ella, fan lang ako. Kaye, fan ka lang. Fan lang. Yan lang yung noun na pwedeng idikit sa pangalan mo, Kaye is a fan, period.

"San darating ang mga salita. . ."

Halos mapaiyak ako sa sobrang bwisit. Siya nga yung iniisip ko, tapos maririnig ko pa iyong kanta nila?

Halos mapsabunot ako sa sarili ng patuloy pa ring kinakanta nung lalaki yung Mundo.

"Paksyet! Ang pangit ng boses mo! Sinisira mo iyong kanta ng Unique ko. . . ."

Na naman. Ito na naman. Inaangkin ko na naman yung taong hindi naman para sa akin. What a concept!


KINAUMAGAHAN sobrang lamya kong pumasok sa klase. Buti na lang nakapag-alarm pa ako.

"Kailan ka pa nagka night shift?" tanong ni Ella. Inirapan ko lang siya. Wala ako sa mood talaga, daig ko pa 'yong mga lasing kagabi. Buti sila after ng inuman, nakatulog na ako, ayon, may part two pa 'yong pag-iyak ko. Pagrereview nga hindi ko man lang nasubukang inumaga, pero 'yong pag-iyak? Kaya ko ata ng 24 hours. . .ibang klase.

"Tigilian mo muna ako, wala akong energy today. Na-drain ako sa exam natin sa Anthro, di ako nakapag-review." sabi ko. Nandito kami ngayon sa isang kubo sa likod ng College of Education. Dumukdok ako sa mesa. Isang minuto palang ang nakakalipas pero halos mawasak na yung kubo sa sobrang emsoyon nitong kaibigan ko.

Mundo: IV of Spades Fan Fiction (Short Story)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz