Chapter 14

2.1K 39 1
                                    

Scarlet's POV

Nandito ako sa kwarto ko, nakahiga sa kama at nakatingin lang sa kisame. Wala kasi akong magawa. Para kasing may hinahanap ako, pero ano?

Kinuha ko ang cellphone ko at nanuod nalang ng Kdrama. I'm so bored, parang tinatamad ako ngayong araw. May biglang kumatok sa pinto kaya napabangon kaagad ako. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon.

Nakita ko si Freyah na may malaking ngisi sa mukha, kapag ngumiti pa siya ng mas malaki diyan I'm sure mapupunit na talaga yung bunganga niya. Binigyan ko siya ng nagtatanong na mukha.

"Anong kailangan mo?" tanong ko

"May bisita ka sa labas" hindi ko alam kung bakit pero bigla akong ginanahan na lumabas ng kwarto at magpakasaya.

"Sige, bababa na ako" sabi ko at pumasok ulit sa kwrto ko.

Nagbihis lang ako at naghilamos tapos lumabas na ako ng kwarto. Hindi pa ako nakaka baba, nakarinig na kaagad ako ng tawanan sa sala. Sino ba kasi yan?

Pagdating ko sa sala, napanganga nalang ako ng makita ko si Zack at si Kuya na nag uusap.

Close na sila?

Napahinto sa pagtawa si Zack nang makita niya ako sa hagdan. Ngumiti siya sakin.

"Oh, Scarlet, kanina pa naghihintay si Zack sayo, alika at asikasuhin mo tong bisita mo" sabi ni Kuya habang nakangiti parin, pumunta siya sa kitchen at iniwan kami ni Zack dito sa sala.

Umupo nalang ako sa kabilang sofa at hinarap siya.

"Kumusta?" tanong niya

"Okay lang, bakit ka napunta dito?" tanong ko sakanya

"Ayaw mo ba akong nandito? At tsaka, diba sabi ko pupunta ako dito sa bahay niyo" nakangiti niyang sabi

Ay! Oo nga pala, nakalimutan ko, kaya pala bored ako at parang may hinahanap.

Bahagya siyang lumapit sakin at bumulong.

"Diba sabi ko liligawan kita?" aniya

Bahagya ko siyang tinulak, baka kasi makita kami ni Kuya.

"Tumigil ka nga" natatawa kong sabi

Biglang dumating si Beatrice na may dalang tray. Nilapag niya iyon sa table at ngumiti kay Zack. Nakasuot lang siya ng sleeveless at shorts, tinignan ko naman si Kuya. Nakita ko kung paano gumalaw ang panga niya habang nakatingin kay Beatrice. Anong problema niya.

Tinignan ko si Beatrice na nakangiti kay Zack at si Zack naman na nagpapasalamat kay Beatrice dahil sa snacks. Tinignan ko naman ulit si kuya na nakasimangot.

Pfft. May something ba sakanilang dalawa? May nangyari ba habang wala ako? Nagseselos ba akong kuya ko? HAHAHAHA

Nagtama ang paningin namin ni kuya. Binigyan ko lang siya ng nang aasar na ngiti. Ambang lalapit siya sakin pero humarap kaagad ako kay Beatrice at tinulungan siya sa pagligpit ng iba pang gamit.

Sinamahan ko si Beatrice na pumunta sa kitchen. Dinaanan lang namin si kuya pero mukhang may binulong siya kay Beatrice kaya namula ang pisngi niya.

Tinignan ako ni Beatrice. Natigilan ako nang makita ko ang isang ngiti na gumuhit sa mga labi niya. I gave her my confused look, hindi ko kasi alam kung bakit siya nakangiti sakin. Tsaka ang bilis niya makarecover ah.

"Nililigawan ka ba ni Zack?" tanong niya sakin, pero hindi parin nawawala ang ngiti niya

Tinanguan ko nalang siya bilang sagot.

"Pero, sabi niya hihingi daw muna siya ng permiso kay mom at dad" sabi ko

"That's good" sabi niya, bumalik na kami sa sala. Hindi pa kami gaano nakakalapit sa kanila pero naririnig na namin ang usapan nilang dalawa. Seryoso ang mukha nilang dalawa. Hindi pareho kanina na nakangiti at tumatawa.

"May plano ka bang ligawan si Scarlet?" tanong ni kuya sakanya

"Yes, and I am very serious" napangiti ako sa naging sagot ni Zack

"Papayagan mo ba ako?" tanong niya kay kuya

My brother sighed and rested his back on the couch.

"Well, hindi ako ang mag dedecision. Si Scarlet, na sakanya ang sagot" sabi ni kuya at lumingon sakin.

Nginitian ko lang siya.

"Kayo na muna ni Scarlet ang mag usap" sabi niya kuya na tumayo sabay tapik sa balikat ni Zack

Kaagad naman akong umupo sa inupuan ni kuya kanina. Nakita ko sa peripheral vision ko na lumapit si kuya kay Beatrice at pumasok sa kitchen.

Napatingin naman ako kay Zack nang bumuntong hininga siya.

"I survived"

Natawa kami pareho.

The Bad Boy's LoveWhere stories live. Discover now