"I'll drive you back to your office," agad na sabi ni Jace bago pa ako makahakbang paalis.

Agad naman akong umiling. "Ayos lang. Mukhang may lakad pa kayo ni Isha," sabi ko. "I can take a cab back to our company."

"Ako ang nagdala sa'yo rito, ako ang magbabalik sa'yo," seryosong sabi ni Jace.

Napalunok naman ako sa sobrang pagkaseryoso ng boses ni Jace. I suddenly felt Isha held me in my arm that made me turn to her.

"Hayaan mo nang ihatid ka pabalik ni Jace," sabi niya sa akin. "Huwag kang mag-alala. Wala naman kaming lakad ni Jace. I just wanted to surprise him that I was already discharged."

Naalala ko naman bigla na na-ospital nga pala siya na dahilan kung bakit hindi kami natuloy ni Jace noong isang araw sa aming dapat na lakad.

"Oh... Oo nga pala. I saw that you were hospitalized in Liana's IG story," sabi ko. "Ano pala ang nangyari sa'yo? "

"Well, Jace and I visited a site in Cavite. I was almost crashed by a falling debris there," she said and laughed. "But Jace dodged me out of the way right before it hit me. Apart from few scratches and slight traumatic experience, I'm completely fine. Jace just really over reacted and brought me to the hospital."

"Nakita ko nga rin doon. Mukhang alalang-alala nga si Jace para sa'yo," sabi ko at kahit parang pinipipi na ang aking puso ay nagawa ko pa ring magkunwaring ayos lang sa akin ang lahat.

My inner voice kept on chanting inside my mind how lucky she was.

I saw Jace's forehead creased when I looked at him again.

"Nakakahiya... Si Liana talaga," nahihiya niyang sabi at bahagyang tumawa.

Ngumiti na lamang ako at muling naghanda para sa aking pamamaalam sa kanilang dalawa. "I'm glad you're fine now," sabi ko na lang sa kanya bago sumulyap kay Jace na nakatingin pa rin sa akin. "Mauuna na talaga ako. Nandoon pa ang mga gamit ko sa office."

"Ihahatid na kita," muling pagmamagandang loob ni Jace.

"Okay na ako, Jace. At saka nandito si Isha," sabi ko na lang at tumanggi sa kanyang paghatid.

"It's okay, Zarina." Isha smiled at me. "I brought my car on my way here. Hindi naman pwedeng iwan ko 'yon dito. And besides, I'll wait for Liana here. We've got something to do."

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa pagkabigo na tumangging makasama pa si Jace ng mas matagal na oras.

"Kung ganoon... uhm... mauuna na kami?" nag-aalangan ko pang sabi.

She nodded at me before she turned to Jace with her constant sweet smile. "Drive safe, okay? Text me."

"I will," Jace simply said and averted his stare at me. "Let's go."

Halos mapasinghap ako nang hawakan niya ang aking palapulsuhan upang maigaya na papaalis sa rooftop. Iniwan naming si Isha kung saan siya nanatili at hindi inabala ang sariling sumunod sa amin pababa.

"Sinamahan mo na lang sana roon si Isha na hintayin ang kapatid mo. Kaya ko naman ang sarili ko," sabi ko nang makasakay sa kanyang saskyan.

"Isha understands..." he said while his eyes were focused on the road.

Isha must be so mature to let Jace drive some other girl. Kung ako siya ay hindi ko hahayaan si Jace na pagsilbihan ang ibang babae bukod sa kapamilya niya. Ang akin ay akin lang.

It sounded selfish, but I've longed for that kind of moment. But he's not mine so...

I decided to just keep quiet and pursed my lips the whole time. Hindi rin naman siya nagsasalita kaya mas magandang manahimik na lang din ako.

Arctic Heart [#Wattys2018 Winner]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora