Liwanag ka ng buhay ko,
Babaeng pinakamamahal ko.
Kay ganda mong pagmasdan,
Sa kahit ano mang anggulo.
Naakit mo ako sa iyong kagandahan,
Pati sa iyong mabuting kalooban.
Wala na akong pinapangarap pa,
Kundi ang maging akin ka.
Bagamat napakahirap yata,
Na sabihing akin ka na.
Magkaiba tayo ng mundo,
Mayaman ka at mahirap lang ako.
Lubos kitang minahal ng sobra,
Na buo ang aking kalooban.
Niloko ka man ng iyong nakaraan,
Pangako ko sa iyo ay dadalhin ka sa altar.
