Napaka-easy ng gagawin ko kaya mabilis kong natapos ng maayos 'yong task ko.

"Newbie ka din?" Tanong ng isang babae sa'kin ng mag-break time.

"Uh-huh" Sagot ko.

"Same pala tayo, lima pala tayong newbie dito. I'm Verna" Inilahad niya ang palad niya para makipagkamay.

"Call me Jewie" I said at nakipag-shakehands sakanya.

"Kahapon ka rin in-interview?" Usisa niya.

"Yup!" Mabilis kong sagot

"Bakit hindi kita nakita kahapon? Maghapon ako dito, andaming hindi nakapasa sa final interview" Napangise naman kaagad ako.

"Special applicant ako, isang interview lang pasok agad!" Pagmamalaki ko.

"Wow! Talaga?" Di makapaniwalang sabi nito. "Pero alam mo parang ang strict ng CEO natin pero ang cute niya at batang-bata para maging CEO, halos ma-mental block na ako sa interview kahapon dahil sa kaka-titig sakanya" Kinikilig na paliwanag niya.

May kaagaw ka pempee, halatang may pagnanasa siya sa playmate mo. Jesus!

"Pero kapag ako ang kaharap niya naninigas siya" Pilya kong sabi.

Natameme naman siya na parang pina-process pa sa utak niya ang sinabi ko. Haha!

"Naninigas siya like....natatakot sayo?" Disididong tanong niya.

Natawa naman ako dahil sa ka-inosentehan niya, mukhang may maiimpluwensyahan na naman ang bibig ko nito. Jesus!

"Naninigas ang pagkalalaki niya" Sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Joke lang" Sabay bawi ko din.

"Hindi ka pa kakain?" Tanong ng isang babaeng lumapit kay Verna na sa tingin ko ay newbie din.

"Oo nga pala, tara" Sabi ni Verna. "Ikaw Jewie, hindi ka ba sasabay sa amin para kumain ng lunch?" Baling nito sa'kin.

"Sige mauna na kayo, may pupuntahan pa ko" Sabi ko dito.

Pagka-alis nila, tumayo ako para umakyat sa twenty-ninth floor. May nakalimutan kasi akong ibigay kay pempee's playmate.

When the elevator opened on the twenty-ninth floor i immediately got off and walked straight towards to Dylan's office, i opened his door without hesitation.

Alam kong asar pa siya sa akin, mas makapal pa kasi sa sementadong daan ang mukha ko para magpakitang muli sakanya.

"Ayosin mo, i need it right away!" Galit nitong sabi pagkapasok ko.

I slowly close the door, naka-talikod siya habang naka-upo sa kanyang swivel chair kaya hindi niya alam na nasa loob na ako ng office niya.

Bakit parang ang laki ata ng problema niya?

Kawawa ang amo ng playmate mo pempee, mukhang problemado. Jesus!

"Do it then!" Sabi pa nito bago pinatay ang phone.

Tahimik akong lumapit sa desk niya at naupo sa silya, natawa ako dahil sa shocking reaction niya pagpihit niya para humarap sa kanyang desk.

"Hi sweetie, beast mode? Anong meron?" Naka-ngise kong sabi.

"Anong ginagawa mo dito?" Ayt! Hindi ako sinagot? Haha!

Inis niyang inabot ang ilang papel sa desk niya tsaka isa-isang pinirmahan.

"Nandito 'ko para i-abot 'to sa'yo, ayokong maging unfair sa iba" I said as i handed him my resume.

Tumingin muna siya sa'kin bago inabot ang resume ko at tinignan 'yon.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now