Late na akong nagising dahil mag-uumaga na akong nakauwi ng condo ko, matagal din kaming hindi nagkasama-samang apat na magkakaibigan kaya sinulit ko na kagabi 'yong masayang bonding namin apat lalo na't ayos na kami ni Seff.
Agad kong tinungo ang banyo para makapag-shower tsaka mabilis na nagbihis, cheneck ko din muna ang suitcase na naglalaman ng documents na kakailaganin ko ngayong araw sa office bago ako lumabas ng unit.
Good thing dahil malapit lang ang condo sa company kaya mabilis naman akong nakarating kahit medyo na-late ako ng dating.
Pagpasok ko sa office ko, inumpisahan ko agad ang dapat kong ayosin. At pagkatapos ay may dalawang magkasunod na meeting akong in-attend'an about sa marketing research and financial system sa magkaibang department.
Three o'clock na akong nakabalik sa office ko mula sa conference hall dahil sa mahabang formal meeting na 'yon.
Naisalampak ko agad sa sofa ang pagod kong katawan para saglit na magpahinga.
Tunog ng aking cellphone ang gumisig sa'kin, hindi ko namalayang nakaidlip pala ako pagkapikit ko kanina dahil sa pagod.
Kinuha ko 'yon sa aking bulsa para sagotin ang caller na tumatawag sa'kin ngayon.
"Hello" Sagot ko sa tawag habang nakahiga pa rin sa sofa at bahagya pang naka-pikit.
"Dylan, anak. kamusta ka na?" Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni mom.
"I'm good mom" Sagot ko. "Kayo ni dad kamusta?" Tanong ko pabalik.
"We're okay son, hindi ka ba nahihirapan sa company ng daddy mo?" Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Honestly, mahirap magpatakbo ng ganito kalaking company mom. But i trying all my best" Derekta kong tugon. "Si dad, nasaan siya?" Tanong ko pa.
"Tulog na siya anak, kailangan ng dad mong magpahinga" Sagot ni mom, napatingin naman ako sa LED clock.
Its already 5:47pm sa Australia. Habang dito naman ay 3:47 in the afternoon. Ahead ng dalawang oras sa Australia dito sa pilipinas.
"Hows his condition, nagiging stable na ba?" Nag-aalangang tanong ko kahit na hindi kami gaanong magkasundong dalawa.
"Not yet son, kailagan pa ng mahabang treatment ng dad mo to cure from his illness" Nasapo ko ang noo ko at marahang napa-pikit, Bakas sa boses ni mom ang pag-aalala kay dad.
"Okay, take care of yourself mom. Wala pa naman ako sa tabi mo para alagaan ka, iwasan mo rin ang sobrang pagiisip. Gagaling din naman si dad, okay?" Sabi ko dito.
Minsan na kasing na-depressed si mom dahil sa mga kalokohan ni dad noon, walang ibang nag-alaga sakanya kundi ako lang na nag-iisa niyang anak. At ayoko nang muling mangyari 'yon sakanya.
"Of course, anak" Maikling saad nito. "Isa pala sa reason kung bat ako napatawag, nagbilin ang dad mo kanina bago siya natulog na pumunta ka sa restaurant ng Tita Divina mo" Dugtong ni mom.
"Para saan?" Agaran kong tanong.
"Hindi ko alam anak, hindi ko na natanong ang dad mo. Ask your Tita Divina, baka alam niya" Napa-isip naman kaagad ako.
"Okay, pupunta siguro ako do'n after my work" Sabi ko ng may pagdadalawang isip.
Pagkatapos magpaalam ni mom, tumayo ako mula sa sofa para taposin ang gagawin kong pagpirma sa ibang proposal na nasa desk ko.
.
.
.
.
.
Pauwi na ako, but unfortunately nakasabay ko pa sa elevator ang pervert employee dito sa company.
"Nice, we met again sweetie. Sa iisang company lang tayo nagta-trabaho pero ngayon lang ulit kita nakita, Still busy?" Nakangiseng wika nito pero tinignan ko lang siya ng masama.
YOU ARE READING
CSS1: Captivated by Ms Pervert💋
RomanceShe is wild . . . . . . And PERVERT! She can do what she wants and don't make any excuses for her deeds....She loves flirting but she hate the word 'commitment' . . . . He is cute and decent . . . . He is also very neat in appearance and exactly p...
Chapter8 (Arrange Marriage)
Start from the beginning
