Chapter8 (Arrange Marriage)

Start from the beginning
                                        

Ilang sandali pang pag-uusap nagpa-alam na si Lev sa amin na uuwi na siya at magpapahatid sa kapatid niya.

"Sige Jacob, seff, ken and Dy. Gora na ang dyosa niyong friend, baboush!" Kumakaway-kaway nitong sabi.

Ngumiti lang ako at sinundan siya ng tingin ng maglakad ito palabas ng gate kasama ang kapatid niya at ang barkada nito.

"Alam mo Dylan ang laki talaga ng pinagbago mo" Sabay tapik ni Jacob sa balikat ko tsaka ako nito muling tinignan at sinuri.

"Hindi naman, ako parin naman 'to" Sabi ko habang naka-ngise.

Harry glass lang ang kulang at konteng ayos ng buhok sa isang side. Nerd na ulit ako.

Yes, I'm a nerd before since high school. Nagbago lang ako noong maging mobster ako sa Australia. 'Yon 'yong time na pumasok ako sa Fist Electron.

"Noong makita ko nga siya sa labas ng bar, halos hindi ko siya makilala. 'Yon din ang araw na mabalitaan kong comatose si Seff" Sabi ni ken. Agad naman akong napalunok.

Ilang sandali pa may narinig kaming tatlong malakas na putok mula sa labas, agad kaming napatakbong apat para alamin kung ano ang nangyare.

"Anong putok na 'yon?" Agad na tanong ni Jacob pagkalabas nito.

"Sino ang nagpaputok?" Tanong naman ni Ken habang magkasunod kaming dalawa ni Seff na lumapit sa mga ito.

"May gusto atang dumukot kay ate" Sagot ni Levi habang inaalalayan ang ate niya.

"Ayos ka lang Lev?" Sabay tanong naming dalawa ni Seff.

"Oyah, I'm fine. Jusko! Akala naman nila magtatagumpay sila, kahit buntis ako. Papatolan ko sila" Sabi ni Lev habang inaayos ang sarili.

"Ano ba ate, gusto mo bang may mangyareng masama sa kambal? Makasipa ka kaya sa kalagayan mong 'yan? Ang laki ng tiyan mo. Psh!" Saway ng kapatid niya sakanya.

"H'wag mo nga akong kontrahin Levi" Mataray na sabi nito.

"Mas mabuti pang dumito ka muna-"

"Salamat nalang Jacob, kasama ko naman sila Levi at ang barkada niya. Ihahatid naman nila ko" Tanggi ni Lev dito. "Osha! Gora na kami"

"Sasama na ko para ihatid ka" Presenta ni Seff dito.

"Ako rin. Baka balikan kayo no'n" Sabi ko naman. Baka kung ano ang mangyari sakanya, buntis pa naman siya.

"Hwag na, kaya naman akong ipagtanggol ng limang unggoy na 'to" Tukoy nito sa kapatid niya at sa barkada nito.

"Aray ate! Maka-unggoy ka naman sa'min" Reklamo ni Levi.

"Osha, Baboush na guys" Kumakaway pa itong pumasok ng kotse.

Wala naman kaming nagawa kundi hayaan siya, pero nando'n pa rin ng pag-aalala ko, maging si Seff ay ganoon din dahil sa itsura nito.

"Tara, pumasok na tayo. Kasama naman ni Lev ang kapatid ko maging ang kapatid niya" Sabi ni Jacob pagkatapos umalis ng sasakyan.

Pumasok na si Ken at Jacob pero naiwan naman kaming dalawa ni Seff sa labas. Nilakasan ko naman ang loob ko para kausapin siya ng masinsinan.

"Seff, 'yong tungkol sa-"

"Kalimutan mo na 'yon Dylan" Putol nito sa'kin tsaka pumihit para harapin ako. "Hindi naman ako kumi-kimkim ng sama ng loob, kaibigan kita at kilala kita" Sabi niya tsaka bahagyang ngumiti. "Solid parin ang pagiging magkaibigan natin kahit na anong mangyare" Sabi nito tsaka ito umamba para makipag-fist bump sa'kin.

Ngumiti naman ako tsaka mabilis na nakipag-fist bump sakanya, para akong nabunotan ng tinik at masaya ako dahil ayos na kami ni Seff.

💋💋💋

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now