Kasi alam ko namang hindi un magcecelebrate. Hihintayin niya lang na batiin siya ng mga tao sa paligid niya pero di un magcecelbrate. Siguro tulad nung dati sa highschool, inuman at kainan sa bahay nila. Pero kami kami lang na mga close sa kanya.


Wala kasi yung parents niya jan. Siya lang ung nandito sa Pilipinas eh. Nasabi ko na ba un? Oh kung hindi pa, ayan sinabi ko na. =))


Kaya ayun.


“Tara na, nagbabalikan na mga kaklase natin sa room.” Yaya ni Simmione sa amin.


Niligpit ko na naman agad ung gamit ko at sumunod sa kanila ni Gielean.


--


Pagdating ng dismissal, tumambay muna kami sa mga kubo dun sa canteen. Ano pa nga bang gagawin namin? Shempre aantayin ung sundo ni Gielean. Hahaha! Siya lang naman kasi may boyfriend sa amin diba?


Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Kenneth, at hindi siya nagiisa.


Agad agad na tumabi sa akin ung taong kasama ni Kenneth at kinabig ako papalapit sa kanya.


“Okay. Aalis na ako ha? Pupuntahan ko pa kasi Org ko at mukhang OP na din ako dito. Hahaha!” Sabi naman ni Simmione at umalis na.


“Tara na din Babe?” Tanong naman ni Kenneth kay Gielean. At tumango naman ung bestfriend ko.


“Rai, alis na kami ha? Anjan na naman si JC eh. Aalagaan ka niyan.” Then she smirked at me. Ugh. Friends!


Ngumiti nalang ako kay Kenneth at sinamaan ng tingin si Gielean. Tinawanan lang naman niya ako. Nung wala na sila sa paningin namin, naramdaman ko namang may mainit na hangin sa may leeg ko.


Si JC. >/////<


He’s burying his face on my shoulders while his arms are wrapped around me.


“J-JC, nakikiliti ako.” Wala naman talaga akong kiliti eh, kinikilig kasi ako. >//////////<

Strangers Again || COMPLETEWhere stories live. Discover now