I am dedicating this story to Ate Jess Alfelor :D advance happy 18th birthday ateee. haha. Thanks sa support :">
"Baka naman mahal mo na ako? Haha. Hala, hindi ko kayang suklian yan."
"Don't worry, that will never happen :)"
Paulit-ulit. Paulit-ulit kong binasa ang conversation namin.
Ako naman ang nagsimula, diba? Ako ang nagsabing hindi ko masusuklian ang pagmamahal nya, kung mahal nya talaga ako..
Pero hindi naman pala. Don't worry daw e, that will never happen. Hindi ba dapat masaya ako, kasi yun naman talaga ang gusto ko e. Pero bakit, parang nasaktan ata ako?
"Bakit hindi mo amining may gusto ka sa kanya? Ang hirap sayo, maging sa sarili mo, hindi mo maamin ang nararamdaman mo." napalingon ako sa nagsalita, yung pinsan ko lang pala.
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako."
"Naguguluhan ka? Isang araw nalang, aalis ka na, naguguluhan ka pa din? Sabihin mo sa kanya, para at least nasabi mo man lang bago mo siya iwan. Ikaw narin naman na ang nagsabi na wala syang gusto sa'yo, ibig sabihin wala syang aasahan mula sa'yo. At least man lang, hindi mo madala yan sa states." at lumabas na sya ng kwarto ko. Napaisip ako, oo nga naman. Wala namang mangyayari kung tutunganga lang ako dito sa kwarto at paulit-ulit na basahin ang mga texts na ito.
Sana masabi ko.
Dali-dali akong nagbihis at pumunta sa playground. Dito kasi sya, este kami madalas tumambay. Alam kong nandun sya nang ganitong oras.
At tulad nga ng hinala ko, nandun sya, nag-iisang nakaupo sa swing. Napatingin sya sakin, ngumiti, pero parang napakalungkot ng binitiwan nyang ngiti.
"Hi." bati ko sa kanya.
"Hello." tumabi ako sa kanya at inugoy ko ang swing na kinauupuan ko.
"May gusto sana akong sabihin sa'yo." tumingin sya sakin nang hindi man lang nagsasalita. That made me so nervous.
"Ah, kasi.."
"Ano?"
"Thea, gus--" hindi ko pa man natatapos ang pangalawang salitang nasambit ko, tumunog naman ang cellphone nya.
Sinagot nya ang tawag at nang matapos syang makipag-usap, tumingin sya sakin.
"I'm sorry, I need to go. Sa susunod mo nalang sakin yung sasabihin mo." sa susunod? Kelan pa ang susunod?
Umuwi na din ako agad. Naisip ko ding tawagan ko nalang sya. Pero nung tinawagan ko sya, cannot be reach ang number nya.
Ayoko namang sabihin sa text, napaka-informal.
Sumuko nalang ako. Ayaw siguro ng tadhana na malaman nya ang nararamdaman ko para sa kanya. Mananatili na lamang na isang kasinungalingan ang nalalaman nya tungkol sa nararamdaman ko. Bakit ko nga ba sinabing hindi ko masusuklian ang pagmamahal nya samantalang baliktad naman ang sitwasyon namin, ako ang nagmamahal at hindi sya.
Alas-nwebe na ng gabi. Kailangan ko nang matulog dahil maaga pa ang flight ko bukas. Siguro nga hinding-hindi ko na masasabi sa kanya ang nararamdaman ko.
Biglang may nag-pop up na ideya sa isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng mabilis.
Hindi ko nasabi sa kanya. Pakisabi nalang na mahal na mahal ko sya. Mag-ingat kamo sya palagi. And, goodbye.
Sent to Insan.
Itutulog ko na lang ito. Siguro bukas na ang simula ng pagmumove on ko.
--*
Kasalukuyan akong nasa airport, ala-sais ng umaga. Hinihintay ko nalang na tawagin ang flight number ko at makakaalis na ako ng bansa. Konting oras nalang, magpapaalam na ako sa pinakamamahal ko.
Dahil 30 minutes na din akong naghihintay at mukhang matagal pa naman ang dapat kong hintayin, inilagay ko muna ang earphones ko sa aking tenga. Naka-shuffle naman ang mga kanta dito sa iPod ko kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
"Nais kong malaman nya, nagmamahal ako. Yan lang ang nag-iisang pangarap ko. Gusto ko mang sabihin, di ko kayang simulan, pag nagkita kayo, pakisabi nalang."
Ayos na kanta. Wow. Tagus-tagusan lang?
"Pakisabi nalang na mahal ko sya, di na baleng may mahal syang iba. Pakisabi wag syang mag-alala, di ako umaasa. Alam kong ito'y malabo, di ko na mababago, ganon pa man, pakisabi nalang."
HAHAHA. Nakakatawa. Talagang saktong sakto pa sa nararamdaman ko itong kanta na 'to?
Dumilat ako, at biglang may tumulong luha sa mata ko. Ipinahid ko agad iyon bago pa man ako pagkamalang nasisiraan na ng ulo. Tinanggal ko na rin ang earphones na nasa tenga ko nang hindi pinapatay ang music sa iPod ko.
Narinig ko nainannounce na yung flight number ko. Hinatak ko na ang maleta ko at lumingon sa huling pagkakataon.
Kahit papaano, umasa pa rin ako na matapos nyang malaman ang nararamdaman ko, pupuntahan nya ako dito. Pero hindi, sabi nga nya, don't worry, that will never happen :)
--*
Nang makasakay na ako, inilagay ko ulit yung earphones sa tenga ko. Naalala ko, hindi ko nga pala pinatay ang music nito.
Nagulat ako sa sumunod kong narinig. Hindi na ito kanta. Isang record.
"Hi Yul. Nakakaasar ka naman. Hindi mo man lang sinabi na aalis ka na pala, hindi ka nagpaalam sakin." si.. Thea. Message record ni Thea. Pano nagkaroon nito dito sa iPod ko?
"Alam ko na ang lahat. Alam mo, kahit kelan sinungaling ka. Nakaasar ka ng sobra. Sabi mo hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko? Bakit, sino bang may sabi sayong mahal kita, ha?" napatigil sya saglit sa pagsasalita.
Bading man tignan, naluluha ako. At the same time, natutuwa akong pakinggan ang malambing nyang boses.
"Oo nga, hindi ka nagkakamali. Mahal nga kita. Mana rin ako sayo, alam mo ba yun? Sinungaling din ako dahil sinabi kong never mangyayari na mainlove ako sayo. Akala ko din never mangyayari yun e, pero hindi pala. Mali pala ako." natutuwa ako. Hindi ko inaasahang sasabihin nya yun sakin.
Nararamdaman kong hindi pa nagtetake off yung eroplano. Hinihintay pa ata yung ibang pasahero. Sabagay, wala pa nga akong katabi e.
"Yul, hindi kita pinigilang umalis, kasi alam kong may mas importante kang gagawin dyan sa states pero wag mong kakalimutan na nasa tabi mo lang ako, ha? Pasalamat ka lang talaga sa pinsan mo at sinabi nya sakin at sya pa ang maglalagay nito dyan sa iPod mo. Yul, mahal na mahal kita. Mag-ingat ka palagi ha? Bye." at natapos na ang recording. Napangiti ako. Totoo ba ito o panaginip lang?
Hindi ko namalayang may katabi na pala ako at nakalipad na ang eroplano.
"Mr., wag ka ngang umiyak, para kang bata." nagulat ako sa katabi ko na nagsalita. Hindi ako pwedeng magkamali.
"T-thea?" Tinanggal nya yung shades na suot nya at tumingin sakin.
"Hindi ba't sabi ko sayo, nasa tabi mo lang ako? Hi, Yul."
-End-
note: hi! did you liked it? The song used here is entitled Pakisabi Nalang by Aiza Seguerra. Please Vote and comment. Thank youuuu :D
