"G-George? Nagpahalik ka? Ibig sabihin? Ibig sabihin?......"

  Hindi na natapos pa ni Jepoy ang sasabihin niya dahil mabilis na lumapit sakin si Nomer dala-dala ang pilit niyang teary eyes.

"Ano?! Hindi na virgin 'yang lips mo? Ahhhhhhh! Hindi 'to pwede... hindi to pwe......"

*Boooogsh!*

   Sinuntok ko siya.  

  "Pinuno!"

  Sabay-sabay kaming napalingon lahat nang marinig ang hindi pamilyar na tinig na iyon at nang lumingon kami ay nakita namin ang grupo ng mga kalalakihan  na papunta sa direksyon namin.

Mga pito yata silang lahat. 'Yung ibang mga mukha ay matagal ko ng nakikita dito sa loob ng campus habang 'yung dalawa naman sa mga 'yon ay ang dalawang transferee kanina na kasama ni mestisong shokoy.

  Teka? Sinong tinawag nilang pinuno?

  Nalaman ko lang ang sagot nang sunud-sunod silang dumaan sa harapan naming magkakaibigan at nagtungo papunta sa iisang taong nasa harapan namin, kay Lark.

   "Pinuno, ayos lang kayo?"

      seryoso ang mukha ngunit naron ang munting pag-alala sa lalaking nakasuot ng itim na leather  jacket sa ibabaw ng kanyang uniform. Tumatakip ang mahaba at tuwid niyang buhok sa kanya mga mata.

   "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayokong tinatawag akong pinuno sa harap ng maraming tao. Lalo na sa harap ng mga kaaway."

    narinig ko ang malamig na sagot ni Lark. Yumuko ang isa bilang paghingi ng paumanhin at pagdaka'y tumingin silang lahat sa amin, ah hindi, sa mga kaibigan ko na noo'y nasa likod ko.

  Tiningnan ko ang mga mata ng mga nasa harap namin, naroong may nakangiti na parang demonyo, may nakangiti na para bang nangmamaliit, at may mga ngiti na may halong pambabanta.

   Iniangat ko ang ulo ko para makita ko ang mga itsura ng mga kaibigan ko sa likod, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang kaseryosohan sa mga mata nila. Naroon ang galit at pagkasuklam, ngunit halata ko sa kasuluksulukang bahagi ang takot.

   Muli kong ibinalik ang tingin ko sa harapan at sakto namang nagtama ang mga mata namin ni Lark. Nahahawa ako sa katahimikan at presensiya ng paligid kaya sinamaan ko rin siya ng tingin ngunit isang ngiting aso ang iginanti niya sakin. Napakunot ako ng noo.

 Magsasalita sana ako ang kaso napansin ko ang paglapit ng mga kaibigan ko, pumunta silang lahat sa harapan ko na para bang gusto nila akong harangan lahat. Ganun rin ang ginawa ng mga lalaki sa harapan namin, hinarangan nilang lahat si Lark na para bang gusto nila itong protektahan.

    Ilang segundo ang itinagal ng katahimikan. Nararamdaman ko na ang mainit at tila sumisiklab nilang titigan.

Teka? Anong nangyayari?  Bakit ganito ang ikinikilos nilang lahat? Sino ba talaga ang mga taong nasa harap namin? Bakit kung magtitigan silang lahat parang matagal na nilang kilala ang isa't-isa? May hindi ba sinasabi sakin ang mga kaibigan ko?

  Nakaramdam ako ng kuryosidad sa nangyayari.

Sa maikling espasyo ng kanilang katawan na humaharang sakin ay natanaw ko ang lalaking 'yon.

 Sino nga ba talaga ang Lark na 'yon?

When Lesbian Meets the GangsterWhere stories live. Discover now