Bigla akong nagpanic pero hindi ko alam, hindi ako makagalaw gayung pwede ko naman siyang tuhurin para makawala ako. 'Yung way ng pagtitig niya, nakakapanlambot ng tuhod. Napangiti siya ng malapad, halos maningkit ang mga mata niya. Oo. Pinagtatawanan niya 'ko!

   "Hindi ka lang mayabang, manyak ka pa! Ngayon lang ako naka-encounter ng shokoy na nangmamanyak sa ilalim ng sikat ng araw."

   "Eh bakit namumula ka? Aminin mo na kasi tibo, crush mo ko noh?"

  "Hoy mestisong shokoy, kung iniisip mo na gwapo ka at may gusto ako sayo, utang na loob! 'Wag ka na lang mag-isip! "

   "Ah talaga?"

  "Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong masaktan ulit. Isa!"

"Pano kung ayoko?"

    Imbes na umalis ay nagform pa ang labi niya ng isang devilish smile. Mabilis ang sumunod niyang hakbang , nakita ko na lang na pumikit siya, dahan-dahan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw.

   A-anong gagawin ko? Sisipain ko ba siya dun sa baba niya? Iuuntog ko ba 'yung ulo ko sa mukha niya? Waaaaaaaaaaah! Ano!!!!!!!!! Nagkakandabuhol-buhol na ang mga neurons ko sa utak. Nanghihina na ang buong sistema ko.

  

 "George!"

     Napatigil kaming dalawa at sabay na napalingon sa pinagmulan ng pamilyar na boses. Nakita ko ang mga kaibigan ko

  

 

      Nandito na ang Zaido!

  Nagningning  ang mga mata ko sa sobrang tuwa nang makita ko ang mga kaibigan ko na base sa mga itsura ay parang nagmarathon, hinihingal na tila ba kanina pa nila ako hinahanap. Don ako nakakuha ng lakas para maitulak ang nasa harap ko at nang makawala ay nagmamadali akong tumakbo patungo sa mga kaibigan ko.

  "George! Ano? Ok ka lang?"

        ani Adrian habang pinapasadahan ng tingin ang bawat balat na nakikita sa katawan ko. Tinitingnan kung may gasgas o sugat ba ako. Mabilis na um-extra si Redkert at itinulak niya si Adrian at siya naman ang pumunta sa harap ko. Katulad ng ginawa ng nauna ay chineck niya ring mabuti ang katawan ko.

   "Nasaktan ka ba George? Sinaktan ka ba niya ha?"

   mahinang bulong ni Redkert.

  Kahit naguguluhan sa mga ikinikilos nila ay  umiling na lamang ako bilang sagot. Katulad ng ginawa ni Redkert ay umextra rin si Jepoy, ang kaso napalakas nga lang ang tulak ng huli kaya napatihaya si Redkert sa sahig.

  "Hoy Jepoy! Suntukan na lang oh!"

      panghahamon ni Redkert.  Lumapit sakin si Jepoy na para bang walang narinig. Napakunot ako ng noo nang tumitig siya sa mga labi ko using his parang-naluging facial expression.

When Lesbian Meets the GangsterWhere stories live. Discover now