Chapter5 (Signature Hickeys)

Start from the beginning
                                        

Simula ngayon, Hindi na ako kabilang sa grupo. Kakalimutan ko na naging part ako ng Fist electron.

Sa bar ako dumeretso, gusto kong libangin ang sarili ko sa bar bago ako umuwi ng bahay.

Bakit parang 'di ko madama ang saya ng maka-alis sa grupo? Shit!

Siguro dahil naging karamay ko si Clyde noong mga oras na nangangailangan ang pagkatao ko ng kalinga at tanging siya lang ang taong may malasakit na tumulong sa'kin noon.

Parang nakakatandang kapatid o kuya na rin ang turing ko sa kanya. Kahit na papano ay mabait naman si Clyde sakabila ng mga illegal na business nito.

Pinagiisipan ko din ngayon kung paano mai-ahon ang nalulugi nang kompanya ng aking ama na matagal na niyang pinapangalagaan since bata pa ko.

"Nice! Mukhang itinatadhana talaga tayong magkita, Pempee's Playmate" Nilingon ko ang nagsalita pagkatapos kong malagok ang cocktail na iniinom ko.

Tinignan ko lang siya at pinasadahan ng masamang tingin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pagnakaw sa pera ko.

"Get lost, Thief!" Tumawa siya at naupo sa katabi kong stool.

"Long island Please" Nagwink pa ito sa bartender.

Malandi!

"One more Mojito diablo" Sabi ko naman at tumayo sa kinauupuan ko.

"H'wag ka ngang lumayo" Sabi niya ng lumipat ako ng stool. "Hindi naman ako nangangagat, sumusubo lang" Ngumise siya.

"Pervert" Mahinang usal ko at hindi na siya pinansin pa. Pero 'yong mga mata niya alam kong sa akin nakatutok.

Ininom ko agad ang mojito diablo na in-order ko pagka-lapag ng bartender sa harap ko.

"Bakit hindi ka umattend sa gender reveal party nila Leveon?" Tanong nito.

Tumingin ako sakanya at bahagyang napatikhim, pero kita ko ang pag-ngise sa labi nito kaya hindi ko din maiwasang samaan siya ng tingin.

Sinasadya niya bang maasar ako? Tck!

"Anong gender ng baby nila?" Nag-aalangang tanong ko.

Hindi ko mapigilang hindi umusisa, Gusto ko din malaman kung ano ang gender ng anak nila.

"Boy" Agad na sagot niya. "Twin babies ang nasa mattress ni Leveon, magaling sumisid ang pinsan ko e" Dagdag niya tsaka uminom ng cocktail niya.

Napatikhim ulit ako. Ang galing namang maka-double ng asawa niya.

"Are you jealous?" Derektang tanong niya.

"No!" Mabilis kong sagot pero tumawa siya . "What's funny?" Kunot noo kong tanong.

"Pretty liar! You look jealous sweetie" Pang-aasar nito sa'kin. Nilagok ko ang inomin sa harap ko at mabilis na inubos 'yon, tsaka muling humingi ng Mojito diablo sa bartender. "Denial" Parinig pa nito.

Inis ko siyang nilingon at muling napatikhim dahil sa sinabi niya.

"Ungol mo ang gusto kong marinig hindi ang tikhim mo" Ngumise siya ng nakakaloko at kinindatan pa ako.

Bastos talaga ang babaeng 'to at ang landi din niya. Tck!

"Why so Perv-Hey!" Sabay tanggal ko sa kamay niyang gumagapang sa hita ko at nagpalinga-linga.

Nakaka-inis ang babaeng 'to. Siya pa mismo nagpapakita ng motibo, Ganyan ba talaga siya? Ang Pervert niya, hindi na nahiya!

JEWIE'S POV

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now