Chapter5 (Signature Hickeys)

Start from the beginning
                                        

Sumabog na ang bombang si-net ko sa paligid, senyales iyon para umaksyon na kami.

Si Gorio at ang tatlong member ang naka-assign sa isang sasakyan ng mga police para patayin ang mga ito, samantalang kami naman ni marcus at ang dalawa pang member ang sa isang sasakyan para itakas at kunin ang dalawang subject.

Si marcus ang nagsilbing guard ko. Binaril ko ang naka-lock na pinto ng sasakyan tsaka 'yon binuksan habang binabaril ng dalawa naming kasama ang mga pulis na nagtangkang paputokan kami.

Marahas kong hinila si Mr. Agurre ng mamukhaan ko ito para ilabas ng sasakyan.

"Ikaw ba si Stacey?" Tanong ko sa nagiisang babae sa loob ng sasakyan. Mabilis naman itong tumango.

"Oo" Hinila ko kaagad ito at isinakay sa sasakyang lumapit sa'min.

"Boss, Paano ang mga 'to?" Tukoy ni marcus sa tatlong bilanggong nakapusas.

"P-patayin mo na" Nagdadalawang isip kong sagot. Tinignan nito ang dalawa naming kasama para barilin ang mga 'yon.

Tumalikod agad ako para 'di ko makita ang pagpaslang ng mga 'to sa tatlo at mabilis na sumakay ng sasakyan. Matagal na ako sa operasyon na ganito pero parati paring dinadaga ang dibdib ko para pumatay. Shit!

"Clear boss" Rinig ko kay Gorio sa device na nasa tenga ko.

"Sumakay na kayo" Sabi ko.

Habang nasa sasakyan ay agad kong tinanong si Mr. Aguerre kung saan ang prescription drugs na sinasabi ni Clyde. Agad namang sinabi ang lugar na pinagdalhan niya no'n.

Isang warehouse sa isang liblib na lugar ang pinuntahan namin. Inangkat agad ng mga kasama ko ang tatlong box na naglalaman ng narcotic drugs, Parkinson's drugs at Incontinence drugs.

"Nakuha niyo na ang gusto niyo, pakawalan niyo na ko" Saad ni Mr. Aguerre.

"Pasensya na Mr. Aguerre" Sabi ko sabay tutok ng baril sa sentido niya.

"Maawa ka-*Bang*"

Tinalikoran ko agad ang katawan nitong bumulagta sa lupa pagtapos kong barilin siya sa sentido at muling sumakay ng sasakyan.

"A-anong gagawin niyo sa'kin?" Kabadong tanong nitong stacey habang naka-blind fold.

"Tumahimik ka lang" Sabi ko dito. Tumahimik naman ito hanggang sa makarating kami sa hide out.

"Operation completed" Saad ko kay Clyde pagkalapit ko dito. Hinubad ko ang singsing na sumisimbolo na kasali ako sa Fist electron gang at inabot 'yon sakanya.

"Sa'yo na 'yan, kung hindi naman itago mo. Baka magbago pa ang isip mo" Nakangiseng sabi nito at tinalikuran ako.

"Malaking kawalan ang pag-alis mo Boss Dylan, wala nang magaling na bomber man sa grupo" Wika ni Ascot. Isa sa mabait at kasundo ko sa grupo habang nasa locker room kami at nagpapalit ng damit.

"Nirerespeto namin ang pagtiwalag mo sa grupo Boss, Expert bomber" Wika naman ni Gorio.

"Kayo na ang bahala, matagal na din naman kayo sa grupo" Sabi ko sa mga ito tsaka isinara ang locker ko.

"Yes boss!" Sabi ng mga 'to.

"Ikaw na ang pumalit sa posisyon ko marcus" Tapik ko sa balikat nito.

"Makakaasa ka Boss" Matanda ng tatlong taon sa'kin si marcus ngunit mataas ang posisyon ko sa grupo kaysa sakanya.

Tumango lang ako tsaka nilisan ang silid. Mabilis akong sumakay sa aking kotse at pinaharurot ang kotse. Habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho, naalala ko ang singsing. Tinitigan ko muna 'yon bago ko tinapon sa daan.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now