Chapter5 (Signature Hickeys)

Start from the beginning
                                        

>>EndOfFlashback<<

Tumunog ang cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko agad 'yon para sagotin kung sino man ang tumatawag. Napatikhim nalang ako ng makita kong pangalan ni Clyde ang nasa screen.

"Bakit?" Tanong ko ng masagot ko ang tawag.

"Pumunta ka sa hide out" Sagot nito tsaka mabilis na ibinaba.

Sumakay agad ako sa kotse para pumunta ng hide out. Ngayon na siguro ang operation na ipapagawa niya sa'kin. Matagal ko din hinintay ang araw na 'to upang makawala na 'ko sa magulong at illegal na gang na pinamumunuan niya.

Pagpasok ko sa hide out sinalubong agad ako ni Clyde. Hinulog nito ang yosi at tinapakan ito ng kanyang kaliwang paa.

"Ngayon na ang operation na ipapagawa ko sa'yo" Umpisa niya. "Ililipat si Mr. Aguerre sa puting lupa jail, tambangan niyo ang sasakyan nito para makuha si Mr. Aguerre kasama ang kapatid ni Jude na si Stacey" Napangunot ako.

Hindi ko pa nakita ang Stacey na kapatid ni Jude na sinasabi niya. Bullshit!

"Dalawa sila?" Tanong ko.

"Narinig mo naman siguro. Si Mr. Aguerre at Stacey ang kukunin mo, malamang dalawa!" Sarkastikong sagot niya. "Kapag nakuha niyo na sila, tanongin mo si Mr. Aguerre kung saan niya dinala ang mga prescription drugs bago mo siya patayin" Lumunok ako.

"Yong stacey, anong gagawin ko do'n?" Seryosong tanong ko.

"Dalhin mo siya dito sa hide out" Sagot niya.

Inabot nito sa'kin ang photocopy na naglalaman ng location na dadaanan ng sasakyang magdadala sa dalawa sa ibang jail at kung anong oras, tsaka ito naglakad para iwan ako ngunit tumigil ito at may sinabi.

"May tiwala ako sa'yo. Mr. Expert bomber" Saad nito bago tuluyang umalis. Naiwan akong nakatayo at nakatitig sa inabot niya.

Pinuntahan ko ang depot room kung saan pumipirmi sina Gorio at Marcus. Sila lang ang bukod tanging makakatulong sakin sa operasyon na gagawin 'ko.

"Gorio, Marcus. Be ready. May operation tayong gagawin" Seryoso ko silang tinignan. "Ihanda mo gorio ang mga baril na gagamitin natin" Binalingan ko naman si Marcus. "Ikaw na ang pumili sa members na pwede nating isama sa operation" Sabi ko tsaka lumabas ng Depot room.

Malaking tao si Gorio at magaling sa Judo, bihasa din siya sa mga rifles at baril. Si Marcus naman ang magaling kumilatis ng ability, Siya din ang nagti-train sa mga myembro para maging magaling ito sa pakikipaglaban, dati din siyang professional trainer ng martial arts sa Australia.

Tumungo ako sa locker room nitong hide out para magpalit ng itim na T-shirt at black pants. Inayos ko sa hanger ang hinubad kong white sleeves bago ako tuluyang lumabas habang sinusuot ang gloves sa dalawang kamay ko.

Matapos ang dalawang oras ay nakahanda na ang lahat. Umalis kami lulan ng isang puting van, nakasunod naman ang isa pang van sa'min kung saan nakasakay ang ibang myembro.

Nag-set ako ng bomba sa paligid kung saan dadaan ang sasakyan. Hindi man ako sing-galing nila Marcus at Gorio sa pakikipagbakbakan, magaling naman akong kumalkula at gumawa ng bomba.

May dalawang members din ang nagsisilbing look out sa paligid at may kanya-kanya itong pwesto at papel sa operation na 'to.

"Malapit na sila, Boss Dylan" Rinig ko sa device mula sa aking tenga.

"Sige, maghanda na kayo" Sabi ko. Isinuot ko ang facemask beanie hat at inihanda ang sarili.

Ilang sandali pa ay nakita na namin ang sasakyan ng police, kasunod nito ang puting sasakyan kung saan nakasakay ang subjects namin.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now