Ako si Anika Ferrer. Kahit babae ako ako ang nangliligaw sa lalaking gusto ko. Weird man pero yun ang totoo. He used to like me before pero hindi ko pa sya napapansin, and when the time na ako na ang nagkagusto sakanya wala na syang gusto sakin. Saklap diba?
Sya si Rafael Martinez. Isang varsity ng volleyball.
Ngayon ang pinakahinihintay kong araw dahil ngayon kami maglalaban. I never knew how to play that sport pero sabi nya sasagutin nya daw ako pag nanalo ako sa kanya. Weird diba.. sya yung sasagot pero mas weird dahil ako ang nanliligaw.. hayyss.
Papunta na ako sa court kung saan magpapractice muna ako saglit. I've train for about a week at konti pa lang ang alam ko kaya kinakabahan ako.
Papasok na ako ng court ng may marinig akong naguusap. "Bakit kasi hindi mo na lang sagutin si Anika ehh gusto mo naman sya tiba?" Tanong ng lalaki. Boses ata yun ni Ken, kaibigan ni Rafael. Teka ako ba ang pinaguusapan nila o kapangalan ko lang?
"Natatakot kasi ako ehh. Baka kasi pag naging kami na bigla na lang syang sumuko. Gusto kong makita kung gusto nya ba talaga ako" sabi ng kausap nya. Teka boses yun ni Rafael ahh.
"At sa pamamagitan ng volleyball?" Sabi ni Ken. Ako nga. Wala akong narinig na sagot at tanging papalapit na paglakad lang ang narinig ko kaya nagtago ako. Dumungaw ako para makumpirma na sila nga at hindi nga ako nagkamali.
Pumasok na ako at nagsimulang magpractice. Di ko na lang pinansin ang narinig ko kanina dahil mas iniisip ko ngayon ang laro namin mamaya. Ng matapos ako ay tinignan ko ang orasan ko, 3:48 P.M. na, 4 o'clock ang usapan kaya pumunta akong locker room at nagpalit na.
I went to the open field dahil nandoona ang net. Kanina kasi sa court nagpapractice lang ako sa pader. I saw him in the other side at inaayos ang gamit nya. Marami rami din ang nakikinood.
God!! Kinakabahan na ako. Ng mag 4 na ay pumunta na kami ng mga grupo namin sa harap ng net at nakipagkamay. "Good luck" sabi nya at tumango ako. Para fair ang laro ay mga hindi rin masyadong marunong ang mga nasa team nya at team ko.
The game started at 4:15 na ng matapos ang laro. I looked at ng scoring board. 15 - 9 ang score. Which means... panalo sila. Nanlumo ako sa nakita ko. "Sorry Anika.. hindi natin naipanalo. Ok lang yan" sabi ni Kate, kagrupo ko. They started saying things like that at isang pilit na ngiti lang ang ibinibigay ko.
Pumunta ulit kami sa may net at nakipag kamay. Ng magkamay kami ni Rafael ay nagsalita ako. "Congrats nga pala" sabi ko ng hindi nakatingin sa mga mata nya. Hindi ito sumagot kaya binawi ko na ang kamay ko dahil nangingilid na ang luha ko. Syet!!
Nagsimula akong mag lakad papalayo at maya maya ay tumakbo na ako. Kasabay ng hangin ang pagtulo ng luha ko, di ko alam kung saan ako papunta pero nakita ko na lang na nasa rooftop na ako. Well this place is perfect, dito ako pumupunta pag gusto kong mapagisa.
I try to keep my self calm. Maya maya ay may naramdaman akong presence sa gilid ko. Ng lingunin ko ito ay isang panyo ang nakita ko. Inangat ko ang paningin ko at nakita si Rafael. "Sorry kung kaylangan pa kitang pahirapan. Natatakot lang kasi ako na baka hindi ka pala seryoso. Pero nalaman ko na hindi ka pala dapat matakot dahil kung mahal mo ang isang tao dapat handa kang masaktan kahit ano man ang mangyari" sabi nya at pinunasan ang mga tumutulo kong luha. "Alam mo bang ang saya ko ng malaman kong may gusto ka saakin. Ako na ata ang pinakamasayang tao nung malaman ko yun. Tapos nung araw na nag confess ka saakin. Sinabi mo na ok lang na ikaw ang mangligaw at yun nga ang ginawa mo" sabi nya at namula naman ako kaya iniwas ko ang tingin ko. "Pero isa lang alam ko. Handa akong masaktan kahit ano man ang mangyari" sabi nya at napatingin ako sa kanya.
Ibig bang sabihin nun.. "Sinasagot mo na ako?" Sabi ko at tumango sya. I don't know what to say at niyakap ko na lang sya ng mahigpit na sinuklian nya naman ng mas mahigpit pa.
Kung sya ang pinakamasayang tao ng sabihin kong may gusto ako sa kanya pwes ako ang pinakamasayang tao ng sagutin nya ako ngayon!!
