PARA SA AKING MAHAL

153 1 2
                                        

Ikaw ang aking mahal
Pag-ibig ko sayo'y walang hanggan
At hindi magtatagal
Ikaw rin ay aking mahahagkan.

Ikaw ang aking inspirasyon
Mula noon, hanggang ngayon
Pagmamahal ko sayo'y walang kondisyon
Upang lumigaya lang ang puso kong mamon.

Mahal kita, hindi mo lang alam
At sa bawat araw na dumaan
Lalo akong nagdaramdam
Pagkat sa akin ay wala kang pakialam.

Iniibig kita
Kahit ito'y di mo nakikita
At huwag ka nang magtataka
Kung dumating ang araw na nakalimutan na kita.

SPOKEN POETRY AND POEMSStories to obsess over. Discover now