Salamat sa pagiging supportive.
Salamat sa mga sense of humors niyo.
Salamat sa pagmamalasakit niyo.
Salamat kasi pinag tygaan nyo ko.
Salamat kasi naging kaibigan ko kayo.
Salamat sa mga happy memories.
Sorry sa pagiging isip bata.
Sorry sa pagiging maingay.
Sorry sa pagiging boring.
Sorry kasi hindi ko maibalik yung mga ginagawa nyo sakin.
Sorry kasi wala man lang akong nai-ambag sa circle.
Sorry kasi nakakabadtrip ako.
Sorry kasi epal ako.
Sorry sa lahat.
Dear Achuchuchu,
Masakit kapag hindi nyo ko pinapansinin tapos hindi ko alam kung bakit. Nag fri- freak out ako. Hindi ko alam kung bakit. Sa pag hihiwala natin, sana maging parte parin ako ng highschool life nyo. Ewan ko ba? Tuwing mag kakaroon ako ng kaibigan lagi nalang ako nagigung protective? I dunno.
Story telling....
Noong isang araw sabado, may lakad kaming magkakaibigan ( yung present ha ) so ayun dumating sila sa *** tapos yung mukha nila nakasimangot. Nag-isip agad ako ng mga pede kong gawin para maging masaya yung araw na toh. Ewan ko ba tuwing may kasama akong mga tao or mga kaibigan lagi ko nalang iniisip kung sila nag enjoy or mag-eenjoy.
Nung naglalakad kami sa cinema, hindi parin ako makaisip ng magandang idea para maging masaya sila.
So ayun nag *** kami dun kami kumain tapos nag patawa si friend number 1 kami naman tawa ng tawa. Pero hanggang sa mag si-uwian na kami hindi parin ako makaisip. Kaya nung time na yun badtrip na badtrip ako sa sarili ko.
Feeling ko ang boring boring ko.
So ayun lang... sana hindi nila or should I say walang makabasa nito sabihin pa nila na nag dadrama nanaman ako.
Sorry
Naloloka nanaman akoo
