Chapter 1

2.3K 28 2
                                        




"Shot mo na Chloe!" Sigaw ng isa kong ka-blockmate. Agad ko namang tinanggap ang inumin na nasa shot glass at agad na nilagok iyon. Ramdam ko ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko, mas matapang iyon kumpara sa kanina ko pa iniinom.

Nilinga ko ang paligid, medyo hilo na din ako kaya dahan-dahan kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Andito kami ngayon sa poolside bar sa mansion nila Robertson, ka-blockmate ko sa college slash close friend slash ultimate crush. Hindi ko alam kung crush ko pa ba siya o mahal na dahil since highschool pa itong nararamdaman ko para sa kanya. Family friend ng pamilya namin ang pamilya nila, ang pamilya namin ang humahandle sa construction ng mga pinapatayong malls ng pamilya nila Robertson.

Kalagitnaan ng highschool, may okasyon noon sa bahay, nagpa-party si dad dahil nakuha niya ang bid sa construction ng magiging isa sa pinakamalaking mall sa Asya, na pagmamay-ari ng mga Alcantara, pamilya ni Robertson.

Doon nagsimula ang pagmamabutihan ng pamilya namin, pagkababa ko noon para makakain na at makihalubilo sa ibang guests ay tinawag ako ni Dad at ipinakilala ako sa mga Alcantara bilang bunso niyang anak. Mukhang kakatapos lang ipakilala ni Dad si Ate na ngayon ay kausap na ang panganay din na babae ng mga Alcantara. Sunod naman na ipinakilala sa akin ay si Robertson.
Unang kita ko pa lang sa kanya ay namangha na ako, sobrang gwapo! Tamang-tama ang pagkakatangos ng ilong niya, mamula-mulang labi na parang mas malambot pa kaysa sa mga labi ko. At mas lalo akong namangha sa mga mata niyang kulay abo, na tingin ko ay namana niya sa kanyang half
American na nanay. Sinabi pa ng mag-asawang Alcantara na may isa pa silang anak na ngayon ay nagbabakasyon sa New Zealand kasama ang iilang pinsan.

And right there and then hindi na maalis sa isip ko si Robertson. Lahat ng okasyon sa mga Alcantara ay dinadaluhan naming pamilya kaya mas lalo akong naging close kay Robertson. Nakilala ko din ang isa pang kapatid niyang lalaki pero hindi ko nagustuhan ang ugali neto dahil masyado itong suplado, palagi kaming nagbabangayan.

Pasimple akong nagpapapansin kay Robertson, lahat ng hobby niya ay pilit kong ginagaya para lalo kami mapalapit sa isa't-isa. Ultimo school at course niya sa college ay ginaya ko din. Mabuti na lang at ang nasa isip niya ay nagkataon lang iyon dahil nga halos parehas kami ng gusto.

Gusto ni Robertson i-manage ang iilan nilang restaurant kaya he took up HRM. Ako naman ay hilig sa pagluluto, dapat ay Culinary Arts ang kukunin ko sa isang university sa U.S pero nung nalaman ko kung saan mag-eenrol si Robertson ay dali-dali din akong nagenrol.

Blockmates kami, pero iba ang naging circle of friends niya sa block namin. Ako naman ay may sarili ding circle of friends.

Kakagraduate lang namin last week at andito ang buong block namin ngayon sa Mansion ng mga Alcantara para i-celebrate ang graduation namin at ang birthday na din ni Robertson para bukas

Nilagok ko ulit yung shot na iniabot ng isa ko pang kablock. Nakaka-ilan na ako, ramdam ko na yung tama ng alak pero kaya ko pa. Hinanap ng mga mata ko si Robertson pero bigo akong makita siya. Hindi pa siya nakakabalik, nagpaalam kasi ito kanina na ihahatid lang sa labas ang nauna na naming kaklase.

Tatlong sunod-sunod na shot pa ang ininom ko, bago ko napagdesisyunan na puntahan ang kwarto ni Robertson. Nadaanan ko ang iba kong kaklase na nakayuko na, ang iba ay parang baliw na nagsasa-sayaw.

Pumasok ako sa loob ng mansion at dumiretso sa hagdanan. Nakasalubong ko pa ang ka-close kong kasambahay nila at iminuwestra kong aakyat ako. Nginitian niya lang ako kaya tinuloy ko na ang pag-akyat.

Muntikan pa nga ako masubsob sa hagdanan sa sobrang hilo. Buti ay nabalanse ko agad ang katawan ko. Napahagikgik ako sa sarili ko.

Nang nakarating na ako sa tapat ng kwarto ni Robertson ay kumatok ako.

Hide and SeekHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin