"Hijo, nandyan ka na pala. Kumain ka na ba?" Napatingin ako sa may pinto ng kwarto ko, nando'n si yaya minda at naka-dungaw.
"Hindi pa, pero wala akong ganang kumain" Sabi ko at muling tumitig sa kisame ng aking kwarto.
"May problema ka ba hijo?" Usisa ni yaya minda.
"Wala ho 'to, iwan niyo muna ako yaya minda. Gusto kong mapag-isa" Sabi ko dito habang naka-titig ng maigi sa kisame.
"Bumaba ka nalang hijo kung nagugutom ka na" Sabi nito. Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya napapikit ako.
Pakiramdam ko broken hearted ako dahil sa narararamdaman ko, parang noong nalaman ko lang na naging sila ni seff noon. Ang sakit!
Tumayo ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko, pinahid ko 'yon at mabilis na pumasok ng banyo. Kahit na may damit pa tumayo ako sa may shower at marahang binuksan 'yon. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang shower na pumapatak sa buo kong katawan.
This is the one of the easy way to ease the pain, Let the tears flow along with the shower.
JEWIE'S POV
Ngayon ang gabi ng ball party ng anak ni Ex mayor Leonard De Guzman, na si Cleo De Guzman. Ang mag-ama ang nagmamay-ari sa isa sa pinaka-malaking jewelry sa bansa.
Ang kaso, karamihan sa jewelry nito ay nakaw lang sa isang sikat na museum sa iba't ibang bansa.
Ginagaya nila ang decorative objects, such as ring, earrings and necklace at ginagawang realistic na jewelry para ibenta naman ng expensives sa publiko lalo na sa mga Tycoon sa bansa.
Gusto kong makuha ang latest na nakuha ng mga 'to sa London, lalo na ang mga nakuha nilang jewelries sa magkakaibang bansa.
Magnanakaw sila? Magnanakaw din ang Greamory. Kaya patas lang!
Pagsapit ng alas nuebe, naghanda ako sa gagawin ko. Naibigay na ni Jiah lahat ng info's sa building kung saan gaganapin ang ball na pagmamayari ng mag-amang De Guzman. Hindi lang magaling na assassin 'tong si Jiah, siya ang Spy ng Crosepher kaya batikan sa pagiging isang undercover.
Kasama ko ang master hacker kong kapatid na si henz bilang mata 'ko sa gagawin kong mission, Si alex naman ang magiging back-up ko. Kaso mali-late daw siya. May tiwala ako kay alex, dahil magaling dumiskarte 'yon.
Kapag kasama siya, walang kaba. Lalo na kung kasama pa namin si Razer, kaso KJ 'yong lalaking 'yon kaya hindi namin kasama sa mission na 'to. Priority raw niya ang pagiging isang assassin niya. Hays!
Sinimulan kong magsuot ng seductive dress, dala ang sling bag ko. Ipinakita ko sa dalawang guard ang dala 'kong invitation para maka-pasok ako at chineck ang sling bag na bitbit ko.
Nginitian ko pa ang dalawang guard at kinindatan 'to sabay hipo sa may balakang nito ng maglakad ako nang may pang-aakit, nang sa ganoon ay makuha ko ang susing naka-sabit sa tagiliran nito ng hindi nila napapansin.
Pagpasok ko sa ball, nakita ko si Jiah bilang isang waitress na naglalakad palapit sa'kin na may dalang Tray na naglalaman ng Drinks. Kumuha ako ng isang drinks at pasimpleng inabot ang susi na nakuha ko mula sa guard para magamit niya.
We used body language para magkaintindihan kami. Umalis siya ng ball ground at ako naman ay nilapitan ang mag-amang De guzman para makuha ang code ng secret room na kinalalagyan ng tunay na mga Jewelries dito sa loob mismo ng building.
"Hi, I'm Janine Willis" Panlalandi ko kay Cleo. Napa-tingin siya sa may dib-dib ko dahil ibinalandra ko talaga 'yon sakanya.
"Cleo De Guzman" He offer his hand na agad ko namang inabot at maharot kong pinisil 'yon.
YOU ARE READING
CSS1: Captivated by Ms Pervert💋
RomanceShe is wild . . . . . . And PERVERT! She can do what she wants and don't make any excuses for her deeds....She loves flirting but she hate the word 'commitment' . . . . He is cute and decent . . . . He is also very neat in appearance and exactly p...
Chapter4 (Regret)
Start from the beginning
