Game Over (One Shot)

Comincia dall'inizio
                                    

30mins lang ang lunch namin this sem. Sa tingin ng iba, hectic sched meron kami. Pero para sa amin, hayahay kasi 3pm naman ang uwi. May oras pa para gumala at maglibot sa tatlong mall na malapit sa school namin.

"Hay nako. Uso nanaman mamaya ang introduce yourself. Bakit kasi nagresign si Capt.Macawile eh. Edi sana hindi na natin kailangan nun." reklamo ni Louie. Ang kambal tuko ni Zyro. Lagi silang magkasama. Palibhasa magkapitbahay lang at magbestfriend talaga sila.

"Kaya nga eh. Kaya pala sobra kung mag-aya ng swimming last summer dahil mamimiss tayo." Pag sang ayon ko. close kasi namin yung dean namin sa Maritime. Kaya siguro ganto nalang din kami manghinayang nung malamang nagresign na sya.

Pagkatapos namin, dumeretso na kami pero nagpaiwan pa si Aerone para magyosi.

"Ikaw Elaize? Hindi ka papaiwan?" takang tanong ni Aerone. Lagi kasi akong join sa ganyan. Umiling ako at nagsabing pass muna. Binatukan nya naman ako dahil daw hindi bagay sa akin ang pagiging mabait. Kaso in the end, hindi na nya ako pinilit. Sumabay na kong umakyat sa kanila.

"Bebe! Nasa kabilang room lang ang Mar-E 3A!" sigaw ni Bhea. Kaya ang ilan, inaasar na ako. Alam kasi nilang may gusto ako dun.

"Si Elaize kulay rainbow na sa kilig!" untag ni Pula sabay tawa nila ng malakas ni Marfin.

"Salamat guys ah. Salamat talaga." sabi ko ng may halong sarcasm.

Bago pa man din nila ako asarin ulit, dumating na yung prof namin sa Seamanship.

Sinulat nya yung pangalan nya sa whiteboard. At binigkas ng malakas.

"Iam 2/M Sanding. Now, introduce yourself. Let’s start at the back. " Pag tinamaan ka nga naman ng kamalasan. Ako pa nasa dulo. Tumayo ako at naglakad papunta  sa harapan.

"Elaize Flores. 18. That's all." Kasi. Magkakakilala na naman na kami so why bother? And to think, 3rd year na kami at kailangan pa ng ganun at konti lang naman yung nadagdag sa section na to. Kaya siguro tama na yun.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na kaming lahat. Sana lang matandaan nya lahat ng pangalan namin. Sana lang. Sana.

"Since this is your first day of being a thirdyear student." Pasuspense nyang bigkas. "Sana magpalabas na." untag ng katabi kong si Elieazer(Elyazer) pero dahil mahaba, El nalang ang tawag namin. "sana nga." Pags angayon ko.

"Bukas na tayo mag lecture." dagdag ng prof namin sabay ayos ng kanyang gamit at lumabas ng room.

At dahil marino nga kami, syempre lumabas agad ng room. Habang nag aayos ako ng gamit ko, bigla akong tinawag ni Icy, ang katiwala sa canteen.

"Ely! May naghahanap sayong fafa! Ay ang pogi! kanina pa yun nandoon eh. Kung hindi ko pa kinausap, hindi ko pa malalaman na ikaw pala ang pakay." Sunod sunod nyang sabi. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya. Pinagpatuloy ko ang pag aayos ng gamit ko at sinabihan syang hayaan na yung lalaking naghihintay sa baba.

"Ano? Tatakasan mo nanaman sya? Nako Elyy, hndi na tama yan. Kausapin mo na." komento ng kaharap kong si Ericka.

"Alam mo naman kung bakit diba? Para saan pa?" sabay ngiting pilit at naglakad na palayo sa kanila.

"Hindi habang buhay matatakasan mo sya Elyy. Alam mo yan." dagdag pa nya.

Kahit alam kong nasa baba pa sya, lakas loob akong bumaba at dumiretso ng canteen para makihingi ng tubig. Ngunit nasa may hagdan palang  ako ng narinig kong tumunog yung cellphone ko sa bulsa. Tinignan ko kung sino at ng malaman kong si Icy yun, sinagot ko na. "Ang bilis mawala neto kanina ah?" sa isip isip ko.

Game Over (One Shot)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora