"Ah eto, meryenda. Kainin natin, binake namin ni Sammy." Naupo naman kami at inayos niya yung kakainin namin.

"Hindi mo ata kasama si Collin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Day-off kasi ni Olivia kaya naisipan niyang ipasyal si Collin." Napatango-tango naman ako.

"Nasaan pala sila Barbara at Candice?" Tanong niya.

"Nasa taas pa may chinecheck pa sila pero bababa na din yun." Sabi ko sa kanya sabay kagat sa ensaymada.

"Hmmm... ang sarap." Tinignan ko naman yung ensaymadang kinakain ko. May palaman sa loob tapos sa labas naman puro cheese ang nasa ibabaw at may icing pa.

"Kami nagbake niyan. Masarap talaga yan tsaka may halong pagmamahal yan eh." Sabi niya at kinindatan ako. Pakiramdam ko nag-init yung mukha ko.

"Uyyyy, namumula si Miss Payne na ubod ng sungit." Tukso pa niya sa akin sabay sundot sa tagiliran ko. Pinalo ko naman yung kamay niya habang natatawa ako.

"Ay nako! Mukhang makaka-istorbo ata kami sa harutan niyo ah?" Biglang sulpot naman ni Candice, kasama si Barbara.

"Hindi naman. Medyo lang. Tara kain kayo oh." Aya ni Zaireen sa kanila. Tuwang-tuwa naman yung dalawa dahil may free nanaman silang meryenda galing kay Zaireen. Minsan nga nagdadala din siya ng meryenda para sa mga trabahor dito eh. Napakabait niya talaga at down to earth na tao.

"Sa uulitin ha Miss Cuise?" Biro ni Candice. Napaikot na lang ako ng mga mata.

"Sure." Nakangiting sang-ayon naman ni Zaireen.

-

"Salamat sa paghatid Zaireen." Nakangiting tumango naman siya.

"Gusto mong pumasok sa loob?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang ngumisi. Naku! May iniisip nanaman siya.

"Saang loob ba honey?" Kagat labing tanong pa niya. Binatukan ko naman siya agad.

"Ikaw talaga! Ang bastos mo." Natawa naman siya.

"Linawin mo kasi honey hahaha. Ang dami kayang loob. Malay ko bang ano yun." Pilosopong sambit pa niya, inirapan ko naman siya.

"Kung gusto niyo ho bang pumasok sa loob ng bahay? Para uminom ng tubig or juice." Napangiting tumango-tango naman siya.

Pagkapasok namin sa bahay agad ko naman siyang pinakilala kay tita mommy at kay Iris. Wala si Allison eh dahil nasa Cavite, I think parusa ni tita mommy yun sa kanya.

"Akala ko wala ka ng ipapakilala sa amin Ate Dems eh." Sabi naman ni Iris.

"Oo nga anak. Kailan ba ang kasal? Para naman magka-apo na kami ng daddy mo." Biro pa ni tita mommy. Inakbayan naman ako ni Zaireen.

"Sa lalong madaling panahon po." Sakay ni Zaireen sa biro ni Tita mommy. Siniko ko naman yung sikmura niya kaya napangiwi siya. Tuwang-tuwa naman sila Iris habang pinapanood nila kami ni Zaireen.

Panay naman ang biro ni Zaireen kaya puro tawa namin ang maririnig sa loob ng bahay. Natahimik lang kami ng biglang bumaba si Daddy.

"Reynaldo, si Zaireen nga pala." Si tita mommy na ang nagpakilala kay Zaireen. Tahimik lang akong nakayuko at nakatingin sa may sahig.

"Good evening po, Sir." Magalang na bati ni Zaireen. Napansin kong inilahad niya yung kamay niya. Akala ko hindi tatanggapin ni daddy yun pero tinanggap niya naman.

"Good evening din." Seryosong bati ni daddy. Nakatingin na ako sa kanila. Bumaling naman sa akin si daddy, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Agad din naman siyang nagpaalam. Kasabay nun ang pag-uwi naman ni Zaireen dahil gabi na din. Hinatid ko naman siya sa labas.

"Magiging okay din kayo ng dad mo." Hinawakan naman niya yung kamay ko at pinisil yun. Tipid na ngumuti ako sa kanya.

Niyakap naman niya ako at hinalikan niya ako sa may noo ko. Pakiramdam ko safe ako habang nakayakap kay Zaireen. Ang comfortable din ng pakiramdam ko habang nakayakap sa kanya. Ang warm din ng katawan niya. Ramdam ko ang init ng paghinga niya na nagbibigay kiliti sa akin. Ang tibok ng puso niya na parang nakikipag-usap sa puso ko na nagdudulot na parang may nagliliparang paru-paro sa sikmura ko na anytime gusto ng lumabas.

"I love you, Demi. Nandito lang ako para sayo." Mahinang bulong niya pero sapat na yun para marinig ko.

"I love you too, Zaireen." Kumalas naman ako sa pagkakayakap. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nginitian ko naman siya, ilang minuto din kaming nagtitigan.

Ilang sandali pa'y lumapat ang labi niya sa labi ko na nagdulot ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko akalain na sa kanya ko lang ito mararamdaman. Sa babaeng ayoko ng makita pa noon dahil sa nagawa kong kalokahan sa kanya para lang may pambayad ako ng tuition.

Parang naging tulay pa iyon para magtagpo ang aming landas. Tadhana nga naman oh.


¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Ilang chapter na lang matatapos na story nila :)

Oh, My Heart HURTS! SO BAD! SO BAD! 😭😭😭

-Bee :)

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now