Chapter Thirteen

Mulai dari awal
                                    

She rested her head on the pillow. "Bakit si Reeve hindi naman OA?"

Inayos nito ang kumot niya. "Asawa mo 'ko. Karapatan ko naman maging OA kapag biglang nahihilo ang asawa ko at sa iba unang kumapit," nakakunot-noong sabi nito.

Bahagya siyang natawa. "Si Reeve ang mas abot ng kamay ko kaya siya ang una kong nakapitan." OA lang pala ito dahil sa pagseselos.

"Mas maayos ka na ba ngayon?" tanong pa ulit nito.

Napahikab siya. "Oo. Matutulog rin muna ako. Apat na oras pa naman bago magsimula ang conference. Magpahinga ka na rin, Dylan."

Umupo ito sa gilid ng kama at pinagmasdan na naman siya.

"What?" she boringly asked him.

Yumuko ito at matagal na nilapat ang mga labi sa labi niya. "I love you," he mumbled before leaving her room.

***

PAGKASIMULA ng unang araw ng conference ay masiglang pumunta si Lana na parang hindi siya grabeng nahilo kanina. Pagkarating ng gabi ay may socialization night ang mga participants ng conference na galing pa sa iba't ibang panig ng mundo.

Kasama ngayon ni Lana si Reeve dahil si Dylan ay biglang nahila na lang ng mga businesswomen na nandoon. Si Reeve din sana ay puntirya ng mga ito ngunit pinangalandakan ng lalaki na kasal na ito kaya wala ng nagtangkang makipag-flirt pa dito.

Tinago ni Lana ang pagtatagis ng mga ngipin niya dahil talagang nagpahila si Dylan sa mga babae doon kahit pa suot-suot nito ang wedding ring nila.

"Na-contact mo na ba si Agatha?" pagka-usap niya kay Reeve habang umiinom sila ng champagne sa isang sulok ng hall. Gusto niyang tanggalin ang atensyon niya kay Dylan at sa mga babaeng nakapaligid dito.

"Hindi pa rin," iling nito. "Hindi talaga sinasagot ang cellphone niya. Tumawag na rin ako sa bahay namin pero wala pa ring sagot." Napalagok ito ng champagne. "Nag-aalala na 'ko."

"Alam mo, Reeve, I'm sure Agatha's fine. Baka naman nagbakasyon sandali sa bahay ng mga magulang niya, nalulungkot kasi mag-isa sa bahay niyo. Or maybe, she's bonding with some friends kaya hindi nasasagot ang tawag mo," konsula niya rito.

He sighed, "Iyan din ang iniisip ko. I'm sure, Agatha would return my calls. Anyway, may naisip na pala akong gagawin ko para sa birthday ko."

"Ano?"

"A surprise wedding for my wife. I would like to say my vows, again, to her," nakangiting sagot nito at saka kinuwento ang plano nito.

Matamang nakikinig si Lana at bigla siyang nakaramdam ng excitement para sa mag-asawa. Hindi niya alam pero imbes na parang magselos ay talagang nasabik siya na matulungan si Reeve.

Mukhang mas handa na siya ngayong maka-move on ng totoo.

Nang as lumalim na ang gabi ay nagpaalam na siya sa mga nakasalamuhang businesswomen doon. Palabas na si Lana ng hall ng makita niya si Dylan. At may babaeng todo ang kapit sa braso nito!

Mukhang taga-ibang bansa ang babae dahil hindi niya maintindihan ang sinasambit nitong lenggwahe. Pero si Dylan ay nakikinig rito at sumagot rin sa ganoong lenggwahe.

Napasimangot siya at nilapitan ang mga ito. Salubong ang mga kilay na hinila niya si Dylan palayo sa babae.

"Excuse me, may I borrow my husband, please?" mataray na sabi niya sa babaeng nanlaki ang mga mata.

Making Love - Published by PHRTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang