Patingin-tingin naman ako sa relo ko dahil mag-iisang oras na eh hindi pa ako tinatawag ni Samara kaya naman naisipan ko ng puntahan.

"Collin, wait lang ha." Tumango naman sa akin si Collin habang busy manood.

Kumatok naman ako ng ilang beses bago ako pagbuksan ng pinto. Napangiwi naman ako pagkakita ko sa itsura ni Samara.

"Ha-hi Ate Zai hehe. E-eto na yung binake mo." Inabot naman niya sa akin yung hindi kalakihang box na may ribbon pa. Napakunot noo ko dahil bigla siyang hinila ni Zaya.

"Bye, Ate." Sambit ni Zaya sabay sara ng pinto.

Napailing na lang ako sa kanila. Pagkakita ko kasi kay Samara ang gulo ng buhok niya eh tapos si Zaya naman may harina pa yung leeg.

Nagpunta naman kami ni Collin sa site para sana puntahan si Demi.

"Hi Candice. Nasaan si Demi?" Tanong ko agad kay Candice pagkakita ko sa kanya.

"Nasa 2nd floor siya." Nakangiting sagot naman niya. Napansin naman niya na may kasama ako.

"Hi little boy. What's your name?" Natawa naman ako dahil kapag may nakakakita kay Collin, ini-english nila ito.

"Collin po." Nahihiyang sagot ni Collin na humawak sa gilid na pants ko. Dahil sa matangkad ako parang hanggang beywang ko lang si Collin.

"Ahmmm... pwede ba dito muna si Collin?" Pumayag naman agad si Candice at dinala si Collin sa tintigilan nila. Nakita ko pang tuwang-tuwa si Barbara.

Kinakabhan ako habang naglalakad para hanapin si Demi. Pagdating kay Demi nagkakaganito ako. Ang lakas ng tama ko sa kanya. Ilang saglit pa'y nakita ko si Demi. Nag-inhale exhale naman ako bago lumapit sa kanya.

"Uhhmm... De-De-Demi." De-De-Demi? Parang ang bastos ng pagkakasabi mo Zaireen. Baka mamaya isipin ni Demi na ang manyak mo. Baka maturn-off siya sayo. Bawas ganda points yun. Sabat ng isip ko. Humarap naman si Demi sa akin na parang nagpipigil na huwag tumawa. Napakamot naman ako sa batok ko.

"Yes? May kailangan ka Miss Cruise?" Nakangiting tanong pa niya. Napangiti naman ako sa kanya. Nawala yung kaba ko dahil sa kanyang ngiti. Ngayon niya lang ako nginitian kasi.

"Uhhmm... wa-wala naman. Nagbake kasi ako, para sayo pala." Sabay abot ko sa kanya ng box na hawak ko. Nakangiting tinanggap naman niya yun.

"Salamat. Sana hindi ka na nag-abala pa."

"Wala yun ano ka ba."

"Tara sa baba. Kainin natin tong dala mo." Tumango naman ako sa kanya. Para akong kinilig tuloy dahil ngayon lang niya akong inayang kumain. Lubusin na baka bukas maging maldita nanaman si Demi pero kahit nagsusungit siya ang ganda pa din niya. Lalo siyang nagiging hot sa paningin ko kapag nagagalit siya o nagsusungit.

Masaya naming kinain yung binake ko. Sinaluhan din namin si Candice at Barbara, siyempre pati na din si Collin.

"Marunong ka palang magbake? Ang sarap ng binake mo." Sambit ni Demi sa akin.

"Medyo lang hehe. Tinuruan kasi ako ni Samara." Para naman akong teenager sa arte ko dahil nahihiya akong makipag-usap sa crush ko lalo na at pinuri niya yung lasa ng binake ko. Dagdag ganda points yun men!

"Napapansin ko puro mga sweets ang binibigay mo sa akin. Baka mamaya niyang magkadiabetes ako ha." Natatawang sabi pa niya.

"Hehe. Sorry. Pero mas matamis diyan ang pagmamahal ko sayo. Tska mas sweet ako diyan." Bulong ko sa huli kong sinabi. Hindi ko alam kung narinig niya yun. Napayuko naman ako dahil nahihiya ako. Pakiramdam ko'y nag-init ang magkabilamg tainga ko.

"Cute." Dinig kong mahinang sambit niya. Lalo tuloy akong napayuko. Narinig ko pa ang pagtawa niya kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti naman siya sa akin. Parang natutunaw ang puso ko sa mga ngiti niya. Parang may nagliliparang paru-paro sa aking sikmura na nagdudulot ng kiliti sa aking sikmura at puso na parang anytime gustong maglabasan sa bibig ko.

"Ang torpe mo pala Miss Cruise." Nakangising sambit pa niya. Nag-iwas naman agad ako ng tingin sa kanya. Shet! Bakit hindi ko siya matignan ng diretso? Nakakahiya, sinabihan pa akong torpe.

"Uhhmm... Balik na ako sa taas Miss Cruise. Salamat sa cupcakes." Narinig kong sabi niya. Tumango naman ako sa kanya pero hindi ko siya tinitignan.

Nagulat na lang ako ng may dumampi sa pisngi ko kaya agad kong nilingon ang nakangiting si Demi. Nagwave pa siya sa akin at kinindatan ako tsaka siya patakbong umalis.

Oh my gad! She kissed me! Kahit sa pisngi lang yun ramdam ko pa din yung labi niya. Napahawak naman ako sa pisngi ko habang ang lapad ng pagkakangiti ko. I'm so kinikilig, OMG talaga!

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Mahaba sana ita-type ko kaso naiinis ako sa phone ko. Ang hirap matouch dahil sa tempered glass 😡 kaasar! 😑😑😑

-Bee :)

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now