Napa ngisi ako habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Pinapa-check na niya ngayon ang bag niya sa security guard na babae. She looks sexy from her short, it perfectly showing her long legs. Na imagine ko tuloy bigla na nakaposisyon ako sa pagitan ng mga mahahaba niyang legs.

Pumasok na siya ng tuluyan sa Mall. Sinundan ko siya. I don't know why. Siguro dahil may unfinished business kaming dalawa. Unfair parin sa'kin na may nakita na siya sa'kin samantalang sa kanya wala pa 'kong nakikita. It's unfair for me! Dapat patas lang kaya gagawin ko ang lahat para maakit siya. For sure madali lang siyang bibigay tulad ng iba.

Sa pagpapatuloy niyang paglalakad, continues din ang pagsunod ko sa kanya. Mga ten feet din ata ang layo ko sa kanya. Mag wi-window shopping lang siguro siya dahil puro lang siya tingin sa mga nadaanan niyang clothing shop.

Hanggang sa pasukin niya ang bilihan ng mga mug. Sinundan ko pa din siya pero hanggang sa labas lang ako. Kita ko naman kasi siya mula dito dahil glass naman ang wall. May hawak siyang isang hello kitty na mug na parang interested siyang bilhin ito.

Pumasok na din ako at lumapit sa kanya, pumwesto ako sa likod niya 'saka ko nilapit ang labi ko sa tainga niya.

"Do you like Hello Kitty, doll face?" She almost drop the mug dahil sa gulat nang biglaan kong pag bulong sa kanya.

Nilingon niya ako at mas lalo siyang nagulat nang makita or makilala ako.

"You!" She pointed me, like she can't believe she's seeing me. "W-what are you doing here?"

"I was about to eat sa Café but then i saw you, so i decided to follow you."

"Kanina mo pa 'ko sinusundan?"

"Yup!"

"What do you want?"

"I want you!" Straight kong sabi. Hindi kasi ako 'yong tipo ng lalakeng ang dami pang pasakalye.

"You wish!" Tinulak niya ako ng mahina sa chest ko para mapalayo sa kanya.

She made her way to cashier para siguro bayaran na 'yong hello kitty mug na nabili niya. Sinundan ko pa rin siya. She was about to pay pero naunahan ko na siyang mag abot ng pera sa cashier.

"What are you doing?" Tanong niya sa'kin.

"Paying that... mug." Sagot ko.

"Why?"

I shrugged. "I just want." Ayaw niya bang ako na mag bayad nun?

She sighed and rolled her eyes. Nag lakad siya muli papunta do'n sa mga mug. Kumuha siya ulit nang kaparis nung nabayaran kong mug 'tsaka muling bumalis sa cashier.

"Regalo ko 'to sa kapatid ko dahil birthday niya. Kung ikaw mag babayad ibig sabihin ikaw na nag regalo nun." Sabi niya sa'kin. Inabot niya ang mug na same ng mug kanina kasama ang pera.

"Eh bakit kumuha ka pa ng isa?" Tanong ko.

"Para may regalo din ako, dahil ikaw ang nag bayad ibig sabihin sa'yo 'yong regalo. Ngayong ako naman nag bayad sa isa ibig sabihin regalo ko 'yon para sa kanya."

Ang weird niya.

After niyang mag bayad, i let her na magbitbit nang pang regalo niya sa kapatid niya. Ayaw naman din niyang ibigay sa'kin kaya hinayaan ko na siya.

"Do you want to eat? I'm hungry." Tanong ko sa kanya.

"Teka nga!" Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. "Close ba tayo ha?!"

"No," Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Ayan close na tayo."

Hinawi niya lang ang mukha ko na tila na inis pa sa ginawa ko 'saka siya muling nag lakad. Pero this time pinanuod ko nalang siya at 'di sinundan. Masyado siyang pa-hard to get, ayaw ko pa naman sa mga gano'n.

Hanggang sa bigla siyang napahinto sa paglalakad na parang nakakita ng multo. Dali-dali siyang tumalikod at nag madaling mag lakad papalapit sa'kin sabay angkla na braso ko na akala mo isang linta katulad ng ibang babae ko.

"Sige, kain tayo nagugutom din ako eh." Tumawa siyang mag isa na parang nababaliw na.

Problema nito?

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Makisama ka nalang muna nandyan 'yong ex ko kasama 'yong giraffe!"

"Oh... I... see." Biglang pumasok sa isip ko 'yong sinabi ng girlfriend ni Prince na si Georgette na brokenhearted daw 'tong kaibigan niya dahil niloko siya ng boyfriend niya. "Sino naman 'yong giraffe?"

"'Yong babaeng giraffe na pinalit niya sa'kin."

That made me laugh. She's funny.

Inalis ko ang pagkaka-akla niya sa braso ko 'saka ko siya inakbayan. "Saan mo gustong kumain, doll face? My treat."

"Kahit saan." Sumulyap siya sa harap namin kaya tumingin din ako do'n at may couple na parang nahinto sa paglalakad habang nakatingin sa direksyon namin. Mas na lock ang tingin nung patpating lalake sa babaeng kasama ko.

Until now hindi ko parin alam name nitong babaeng 'to.

'Yon siguro 'yong ex niya at 'yong babaeng medyo mahaba nga ang leeg siguro ang giraffe na sinasabi niya.

"Patti," Tawag nung lalake sa kasama ko. So, Patti pala ang pangalan niya. Finally nalaman ko rin.

"B-Barry, ikaw pala."

Bumulong ako sa kanya. "'Yan na ba 'yong ex mo? Ba't ang pangit?" Hindi ko maintindihan kung bakit nag loko pa ang ganyang kapangit na lalake.

Tumawa siya ng pilit at hinawi muli ang mukha. "Baby, mag behave ka nga."

Baby? Naririnig ko lang na tinatawag akong gano'n sa kama habang nag mo-moan ang babaeng ni-ro-romansa ko.

"You know them babe?" Tanong nung giraffe daw do'n sa ex ni Patti.

"Patti is my uh... friend and that guy," He pointed me na may bitter expression sa mukha. "Maybe her boyfriend. Tama ba 'ko, Patti?"

"Uhm... U-uh---"

"Yes!" Ako na ang sumagot kasi sa itsura at pag uutal niya, i don't think na makakasagot siya.

"Kung gano'n let's invite them to eat with us. What do you think?" Tanong ulit nung giraffe.

"I don't think that's a good idea baka may pupuntahan pa sila."

"Actually wala naman kaming pupuntahang iba. Plano na rin naman naming kumain." Sabi ko.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Patti sa braso ko na parang hindi siya sangayon sa sinabi ko. Masyado siyang obvious na iniiwasan niya 'yong ex niya.

"'Yon naman pala eh, tara na!" Pagyaya nung giraffe daw.

To be continued...

Beware of CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon