Nang lingunin ko ang ex ko ay wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. Buti naman at umalis na ito. Naaalibadbaran kasi ako sa kanya kahit gwapo pa siya.



Althea's POV

Palagi na lang akong nakakatanggap ng mga bulaklak sa babaeng yon. Nakakabadtrip!

Ngayon naman ay nagbigay siya ng address ng place kung saan gusto niyang makipagkita sa akin mamaya. "Wow! Huh?! As if naman na papayag akong makipagkita sa kanya. Bahala nga siyang manigas doon mamaya." Kausap ko sa sarili ko na parang baliw. Ako lang kasi mag-isa sa loob ng opisina ko.

Tumawag ulit ako ng janitor para ipatapon ang mga nag-gagandahang mga bulaklak na nagkalat. Ang sakit sa mata eh.

Kung sana lang ay si Jade ang gumagawa nito sa akin. Tiyak na maglulupasay ako sa sobrang kilig. Iba ang effect sa akin ng babaeng iyon eh.

Itinutok ko na lang muna ang buong pansin ko sa trabaho. Gustuhin ko mang masilayan si Jade para ganahan akong magtrabaho ay hindi pwede. Alam ko kasing busy siya. Masyadong ma-showbiz ang paligid niya. Hindi ako pwedeng umaligid. Baka pagfiestahan kami sa mga social media.

Pagdating ng lunch break ay hindi na ako lumabas. Nagpadeliver na lang ako ng pasta at pizza at dito ko na rin kinain sa loob ng opisina ko.

Mukha kasing nagtatampo pa sa akin ang bestfriend ko. Kaya hindi ko siya maayang kumain sa labas. Alam kong nag-aalala lang siya para sa bunso niyang kapatid kaya hindi ko siya masisisi.

+++++++

Bandang 7:30pm na ako lumabas ng opisina. Naglalakad ako patungo sa parking lot nang may mga lalaking humila sa akin. "Hoy! Saan nyo ako dadalhing mga kumag kayo?" Apat sila na kay lalaki ng mga katawan. Kaya wala akong laban.

"Sorry po Maam Althea. Napag-utusan lang po."

"Sandali bitiwan nyo nga muna ako. Sino bang nag-utos sa inyo?" Inis na tanong ko bagaman may hinala na ako kung sino.

"Kailangan po namin kayong madala sa kanya within 15 minutes. Kung hindi po ay mawawalan kami lahat ng trabaho." Nangungunsensya pang sabi ng isa sa kanila. "Kanina pa po siyang naghihintay sa restaurant."

Marahas na napabuga ako ng hangin. Ibang klase talaga ang babeng iyon. Mukhang hindi ako titigilan. "Sige na sasama na ako ng maayos sa inyo. Kaya bitawan nyo na ako."

"Sige po pero ipagmamaneho po namin kayo para sure po na doon ang punta nyo."

Dinukot ko ang susi ng sasakyan ko at ibinigay ko sa kanila. Pambihira talaga! Wala akong takas sa kanila. Bukas ko na lang siguro pupuntahan si Jade. Kailangan ko munang harapin ang babaeng may pakana ng lahat ng ito. Para matigil na rin siya sa mga kahibangan niya.


++++++++



Nakaalalay pa rin sila sa akin pagdating ko sa loob ng restaurant. Dinaig ko pa ang anak ng isang presidente sa dami ng body guard na nakapalibot sa akin. Akala nila ay may balak pa akong tumakas.

"Hi beautiful.." Nakangiting bati sa akin ng babae. "Nice to see you again." Minustrahan nito ang mga body guard na umalis na upang iwan kami.

"Look Miss.. I'm not interested to you. So please... will you stop this nonsense?" Naiirita talaga ako sa kanya kahit maganda siya.

"May pangalan ako Althea. My name is Coleen Hernandez and you can call me Coleen."

"Ano bang kailangan mo sa akin? Huwag mong sabihin na pumapayag ka sa kasunduan ng mga erpat natin?" Nagpakawala ako ng nakakalokong tawa. "Can't you see na pareho tayong babae?"

Can't Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon