Chapter 10: Clumsiness

Start from the beginning
                                    

"Aghh!! Jed! Ate!! ATE TULONG!!!!"

Sumigaw ako para humingi ng tulong even though I know that was useless. Hindi rin naman nila ako maririnig dahil nasa baba silang lahat.

"Why am I so stupid? Sa kahit anong bagay pumapalpak ako. Nakakasawa na!" Pagrereklamo ko sa sarili habang umiiyak ako.

*tok* *tok*

"Shane? Pwede ba kitang makausap?"

Mas lalo akong nataranta pagkatapos kong marinig ang boses ni Uno. Agad ko namang chineck ang door knob ng bathroom para siguraduhin kung nakalock ito gamit nag kaliwang kamay ko. Naabot ko naman ito kahit na nakaupo pa rin ako sa sahig.

"Alam ko andiyan ka sa loob. Galit ka pa ba? Hihingi lang sana ako ng sorry. Pwede bang pumasok?"

Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako kay Uno. Gusto kong humingi ng tulong sa kanya dahil tanging siya lang naman ang makakatulong sa'kin pero nahihiya ako dahil wala akong suot na damit. Makikita niya ako. 

"Ahh!!" Mahinang sigaw ko habang tinatakpan ko ang bibig ko gamit ang kaliwang palad ko.

"Shane papasok na ako ha?"

Rinig na rinig ako ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko at ang mga yabag ng paa ni Uno.

"Shane? Nasa bathroom ka ba? Babalik na lang ako mamaya. Sorry sa istorbo." He calmly said.

"Uno! Patulong naman!" I shouted.

Wala na akong option. Siya lang ang makakatulong sa'kin sa sitwasyon ko. I have to set aside my pride kung ayaw kong mas lalo pang lumala ang dinaramdam kong sakit.

"Okay ka lang ba? Shane? Are you okay?" Natatarantang tanong ni Uno pagkatapos niya akong marinig. Agad naman siyang lumapit sa pinto ng bathroom ko. 

"I'm not okay but I'm okay. Ay ewan. First, pakikuha muna ako ng towel. Nasa cabinet." I said trying to calm myself.

"Nakuha mo na?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ng ilang minuto.

"Yeah. Anong gagawin ko dito?"

"Okay. Listen carefully Uno. Nakasalalay sa'yo ang lahat. Ipikit mo ang mga mata mo. Bubuksan ko ng konti ang pinto para kunin iyong towel. Ipikit mo ang mga mata mo ha? Kundi dudukutin ko iyan para wala ka nang magamit!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo?" He asked me.

"Malalaman mo mamaya. Ipikit mo na ang mga mata mo." I ordered him. "Nakapikit ka na ba?"

"Yeah."

"Sigurado ka?"

"Nakapikit na talaga ako."

"Sige bubuksan ko na ang pinto. Huwag mong buksan ang mga mata mo ha? Kundi talaga mallintikan ka sa'kin. Baka sunugin kita ng buhay. Para akong dragon na bumubuga ng apoy kapag nagagalit ako." I said to scare him but he just giggled.

Dahan-dahan kong binuksan ng konti ang pinto.

"Iabot mo sa'kin iyong towel. HUWAG MONG BUKSAN ANG MGA MATA MO!!" I shouted at him agan.

Kinuha ko iyong towel mula sa kanya saka ko isinara ulit ang pinto ng banyo. Agad ko namang tinakpan ang katawan ko.

"Okay. Ganito. Bubuksan ko ang pinto. Pwede mo na buksan ang mga mata mo dahil mahihirapan kang buhatin ako. Pero pinagbabantaan kita. Huwag na huwag kang tumitig sa'kin kundi.. alam mo na kung anong mangyayari!! Gets mo?"

"Hehe. You're funny but yeah. Gets ko." He answered.

Agad kong binuksan ang pinto ng banyo. At gulat na gulat naman si Uno pagkatapos niya akong makita. Para siyang naging bato. Hindi man lang makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Hoyy!! Sinabi ko huwag ka tumitig. Malilintikan ka talaga sa'kin mamaya!"

Saka lang siya humakbang papalapit sa'kin pagkatapos ko siyang sigawan.

"Ano bang nangyari sa'yo?" Tanong niya saka niya ako binuhat.

"Nadulas! Aray Aray!! Dahan-dahan naman!" I exclaimed. 

Inalalayan ko ang kanang braso ko dahil sa sobrang sakit. Pina-upo ako ni Uno sa kama ko saka siya nagsalita.

"Magbihis ka. Dadalhin kita sa ospital." He told me.

"Fine. Pero kunan mo akong damit. Hindi ako makatayo. Bilisan mo. Ang sakit sakit na talaga." I said.

Pero bigla nalang napatitig si Uno sa'kin ng malagkit. Ibang-iba iyong titig niya sa'kin at alam ko kung anong ibig sabihin non.

"Uno?" I asked him to get his attention pero parang hindi niya ako narinig.

Tinakpak ko naman agad ang dibdib ko gamit ang dalawang kamay ko. Kahit na sobrang sakit ng kaliwang braso ko, tiniis ko iyon.

-----------

AN: Hahahah. Light chapter naman para tumawa at kiligin kayo. Masyadong heavy iyong previous chapters eh. hahaha. See you sa next update :) mwaahh..

HGHM2: Memories of LoveWhere stories live. Discover now