For the first time, nagkasundo ang quadruplets at ang grupo ni Claire. Pero syempre pa, hindi pa rin masaya si Claire. “I want me and my friends to be the lead females, and the Naughty-cal boys for the male lead role.” Makapal na request nito sa self-appointed na writer na si Pumpkin.

            “Noted that! I want to make things clear. Since pumayag na ako na lead roles kayo and these four, wala na kayong karapatan na mangelam sa plot and flow ng story na gagawin ko. Don’t worry, romance pa rin naman sya so expect a kissing scene.”

            Napatingin naman ang apat na lalake sa nagsalita – kay Pumpkin. Silang apat, makikipag-halikan sa apat na nagkakapalan na mukhang mga dalaga sa harapan nila? Hindi pa sila nababaliw. Ayaw nila, as in super ayaw! Hindi nila ilalagay sa peligro ang buhay nila para lamang makapasa sa subject na iyon.

            “Alright, it’s settled then.” Turan ni Muffin at tumayo na. “Ginger will be the leader of this group, and she will assign everyone’s task properly on our next meeting. Meeting adjourned!” at nagsitayo na rin ang tatlo nitong kapatid at sabay-sabay na umalis sa lugar na iyon.

            Samantala, naiwan namang tulala ang apat na binata. Hindi nila inaasahan ang mga nangyari. Well, they expect to play the lead role, pero hindi sina Claire, Madel, Helena, at Lina ang kanilang leading ladies.

            “That’s not fair!” bulalas ni Rome. “Hindi ko kayang tagalan ang apat na ‘yon.” Reklamo agad nito.

            Masamang tingin naman ang ibinigay ng tatlo kay Rome. For the three of them, ito ang may kasalanan kung bakit ganoon ang naging takbo ng meeting ng kanilang group para sa finals project sa Humanities subject nila.

            “Kung hindi ka kasi umepal, eh di sana we had a chance to request.” Sita ni Enzo sa kaibigan.

            “Paano pa ang future kissing scene namin ni Pepperlicious babe ko? Sinira mo ang lahat!” reklamo pa ni Nate.

            Si Josh naman ay tahimik lang, pero wag ka, malapit na nyang isumpa ang kaibigan. Kung hindi kasi nagreklamo agad si Rome, sana isa sa kanilang apat o si Josh mismo ang magiging script writer. Wala syang alam sa pagsusulat, pero ano ba ang ginagawa ng google sa mundo kung sa ganoong kasimpleng problema ay hindi sya nito matulungan?

            “Kung nag-iisip kayo ng paraan para mapilit nating yung quadruplets na sila na lang ang bidang mga babae, kesa awayin at sisihin nyo ako?”

            “Hindi naman tayo pumayag sa ganong set-up.” Apela ni Josh.

            Totoo naman. Walang pumayag ni isa sa kanilang apat sa balak ng apat na babae, kaya hindi iyon valid… sa pananaw nilang apat.

++++++++++++++++++++++++++++

▪◊▪The Sleepy POV▪◊▪

 

            Grabe lang talaga yung grupo nila Claire, masyadong mga demanding. Ang sarap nilang gawan ng hindi maganda. Oo nga pala, nandito nga pala kaming magkakapatid sa isang frozen yougurt parlor shop.

            “The best talaga ang mint flavor.” Maarteng sabi ni Pepper. Wala naman akong ibang kapatid na ganyan karate magsalita maliban sa kanya. “Try this Pumpkin, you’ll like it.”

            Hindi naman sya pinansin ni Pumpkin na masyadong busy sa kung ano man ang isinusulat nya sad ala nyang notepad. Masyado naman yata nyang sineseryoso ang pagiging writer nya para sa finals project namin para dun sa isa naming subject na feeling major parang si Rizal lang.

            “Ano ba yang sinusulat mo Pumpkin? Muka ka kasing baliw dyan, natatawa kang mag-isa.” Hindi napigilang tanong ni Ginger.

Alam nyo kasi yung ngiti ni Pumpkin, hindi talaga sya ngiti eh. Ngising-aso. Alam na alam mong walang gagawing maganda. Okay lang naman iyon sa akin, magaling din gagawa ng kalokohan si Pumpkin kaya naman sigurado ako na mag e-enjoy din ako sa kung ano man ang binabalak nya.

“Wag nyo muna akong abalahain, tinatapos ko na yung kwento para dun sa project natin. Sinisiguro ko, pagkatapos ng shooting natin mamahalin tayo ng lubos-lubusan nila Claire.” Mahabang sagot ni Pumpkin na hindi man lang nag-abala na tingnan kami.

Bilang naintriga talaga ako ng bongga sa mga sinabi nya, sinilip ko yung ginagawa nya. “Akala ko ba kwento, bakit parang puro match sticks ang nakikita ko dyan sa notepad mo?” tanong ko sa kanya. And then I realized something. “Drawing ba yan Pumpkin? Hanep ah, tinalo mo ang isang two years old sa pagdo-drawing.” Ang pangit kasi talaga nung drawing nya.

“Sige laitin mo pa ‘tong likha ko, papaslangin kita sa kwento.”

“Pwede sa umpisa pa lang ng kwento patay na ako agad?” ganti ko naman sa kanya.

            Tawa naman yung dalawa dahil sa tagisan naming dalawa ni Pumpkin. Kung ano-ano pa ang napag-usapan naming tatlo, kasi si Pumpkin ayaw talagang makisabat sa amin hanggang hindi pa nya natatapos ang ‘likha’ nyang kwento.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 08, 2014 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

The Pranks Family 2Onde as histórias ganham vida. Descobre agora