Tagutaguan

10 0 0
                                        

Sinong dito mahilig maglaro noong mga bata pa tayo?
Tulad ng jackstone?
Langit lupa?
Patintero?
10-20?
Chinese garter?
Eh yung tagutagoan?
Nung bata ba kayo mahilig kyo maglaro ng tagutaguan?
Eh ngayong mga malalaki na tayo?
Mahilig pa rin ba kayong mag tago?

Tara laro!
Tagutaguan
Maliwanag na ang nararamdaman
Pagkabilang ko ng sampu
aalis na ako
Magtatago sayo
Nagbabakasakaling maayos pa ulet ito
Itong puso ko
Na nawasak ng dahil sa kahibangan ko sayo

Isa - dumating ka
Dumating ka ng walang pasabi
Di ko alam pero sadyang pinagtabi
Kilig ang nadama
Ang sarap na kasama ka

Dalawa - nakilala na kita
Nakilala na kita sa iyong mga ngiti
Natitigan na ang mga labi
Napansin na ang mga gawi
Alam ko na ang yong minimithi

Tatlo - natalo yata ako
Natalo yata ako kasi alam ko sa sarili ko
Na unti unti akong nahuhulog sa mga patibong mo
Sa mga ngiti mo
Sa mga kalokohan mo

Apat - hindi dapat
Hindi dapat nagkatapat
Alam kong hindi dapat nilalahat

Lima - Ayan na! Umaasa na!
Umaasa sa walang kasiguraduhan
Dahil ng mga nararamdaman

Anim - gusto kong ilihim
Gustong gusto ko ilihim
Kasi alam kong walang mararating
Natatakot na bakasakaling
Ikaw ay bawiin
At hindi mapasaakin
Pero anong magagawa kung pusong ito ay may kanyang kinikimkim

Pito - itatago ko
Itatago ko pa hanggang kaya ko
Ayokong mag akala na naman ako
Akalang may nraramdaman ka rin
Nag aakalang may tinatago ka din

Walo - okay lang ako
Kaya ko kasi andyan si God
Kahit hindi ko hinahangad
Sasabayan pa rin niya ako sa paglakad
Alam kong hahawakan niya mga kamay ko
Di tulad ng pagbitaw mo
Yayakapin niya ako
Di tulad ng pagtalikod mo
Tatanggapin niya ako
Di tulad ng pag alis mo

Siyam- at muling  pinaalala ng puso ko
Na di lang sayo umiikot ang mundo
At kaya kong ipangako sa lahat ng tao
Na magiging masaya ako
Kase alam kong ang mga taong nasa tabi ko
Ay kayang palitan ang pwesto mo.

Sampu -Ito ang kukompleto sa tulang binuo ko
Umaasa pa rin sa tadhanang
Makisama sa nararamdamang ito
Pero anong magagawa kung pati ako
Pinaglalaruan nito
Ah!
pinaalala Niyang may tadhana
Itinadhana ako hindi sayo
Kundi sa mga pangarap ko
Gustohin mang sabay mangarap
Gustohin mang ika'y mayakap

Alam kong darating ako sa puntong
Mahahanap ang taong
Kayang pumalit sa pwesto mo
Pero sa ngayon handa muna akong ibigay ang sarili ko
Sa kung sinong kayang tanggapin ako
Sa kung sinong kayang ibigay ang gusto ko
Sa alam kong papakinggan ako
Sa alam kong papatawarin ako
Sa kanyang kayang ibigay
Ang saya na hindi mo kayang ialay
Sa kanya ako aasa
Dahil pag sa kanya
Baka may mangyari pa

Oo
Sigurado ako
Siguradong sigurado ako
Na siya ang magiging saya ko
Siya ang magiging goodmorning ko
Siya ang hindi lang magsasamantalang kilig ko
Kundi ang araw araw na ngingitian ko

Alam niyang kailangan ko ng masasandalan
Kaya sigurado akong bibigyan niya ako ng madadamayan
Ang pamilya at mga kaibigan
Alam niyang kailangan ko ng makakapitan
Kaya sigurado akong siya yung nandyan

Naalala ko
Noong dalawang buwan lang lumapit ako sa kanya, kinusap ko siya..
Sabi ko
"Kukompletohin ko ang simbang gabi
Basta tatanggapin mo lang ako"
Bawat gabi akong nagkwento
Bawat araw ako'y nagpakatotoo
At di pa tapos iyong mga gabi kampante na agad ako
Tinanggap niya ako ng walang sapilitan
Hindi niya ako sinaktan

Kaya kung di man ako nanalo sa puso mo
May pumalit naman sa pwesto mo

This time,
Hindi na ako magtatago
Hindi na ako lalayo
Hindi na ako sa iyo
Alam ko kasi sa sarili ko
isang lingon ko lang
Andyan Siya, nakaabang.

Ako ang taya
Pero alm kong siya ang bahala
Kaya ngayon pagkabilang ko ng sampu!
Maliwanag na ang nararamadaman
Hindi na ikaw kundi siya ang laman
Isa, dalawa..
Tapos na
Handa na, handa na akong maging kanya.

PoetryWhere stories live. Discover now