Alitaptap //:Tula01

138 2 0
                                        

02-15-18

Alitaptap

Malungkot, masaya, yan an ang buhay nating magkaiba,

Madilim, makulay, yan ang magkaibang kulay ng ating buhay,

Ngunit ako'y natitig ng tayo'y nagkaharap,
Para bang ako'y nasa langit ng ika'y muling napasulyap,

Isang linggo ang lumipas ng tayo'y nagkaharap,
Simula noon ay para bang nagkaroon ng nagliliparang mga alitaptap,

Naging maliwanag ang dating buhay 'ko na kay dilim,
Aking naalala ng ako'y napasulyap ng palihim,

Nagkakilala ng lubusan ng tayo'y muling pinagtagpo,
Ika'y nahulog saakin at ako'y na hulog naman sayo,

Akala 'ko hinding-hindi tayo hahantong sa gan'to,
Parang dati lang ay malabong magkaroon ng salitang tayo,

Dahil ngayon ay tayo na,
Hindi 'ko na kayang pigilan pa ang nararamdamang saya,

Ngunit ng tayo'y magkahawak ay bigla kang bumitaw,
At siya naman ay biglang lumitaw,

Ang buong paligid ay nawalan ng kulay,
Kasabay ng paglaho ng pag-ibig 'kong sayo nama'y walang saysay,

Bumitaw ka sa'king kamay at ika'y lumapit naman sa kaniya,
Pareho niyo akong tiningnan at sabay kayong tumawa,

Tuluyang nabalot ng dilim ang buhay 'kong akala 'ko'y nagkaroon na ng kulay,
Nang lumakas ang tawa niyong walang humpay,

Lahat ng pangako mo ay iyo rin namang pinako,
Bakit kailangan pang mangako kung ang hahantungan lang naman ay ganito?

Akala 'ko talaga ay tulutan ng nagdilim at kasabay ng aking pagkabulag,
Ngunit sa harap 'ko'y biglang may lumitaw na liwanag,

Palapit ng palapit ng palapit ng palapit,
Kasabay ng aking pagmulat,

Salamat at lahat ng iyon ay panaginip lamang,
Walang katotohanan at wala ring kabuluhan,

Akala 'ko ay iyon na ang hantungan,
Ngunit nagkaroon ng munting ilaw sa'king daan,

Pero paano nga kung yun ay totoo ng mahagilap?
Mawawala na ba ang makukulay at maliwanag na paru-paru at alitaptap?

Nang tumagal ay wala ng mahagilap,
Ni kahit isang alitaptap,

Ang liwanag na hatid ng alitaptap ay tuluyan ng naglaho,
Dumilim ng tuluyan ang lahat ng nasa paligid 'ko,

Ang nagsisilbing liwanag ng buhay,
Ay tuluyan ng naglaho,

Wala ng alitaptap, wala ng liwanag,
Ang buong paligid maging ang kalangitan ay tuluyan ng dumlim,

Tuluyan ng naglaho ang nag-iisang alitaptap na nagsisilbing liwanag ng buhay 'kong akala 'ko'y may pag-asa pa.





-❤

Ate A's Note:

Haluuuu! Sana may nakarelate rin hehe😄 As you can read, hindi talaga siya nakafocus sa alitaptap pero doon talaga about yung tula. Para bang pinapahiwatig niya na nagkaroon nga ng alitaptap, ngunit iisa lang, tapos sa huli, yung nag-iisang alitaptap na iyon ay naglaho pa. So sana you enjoyed it. Nga pala ito yung unang tula na mahaba na nasulat 'ko hehe.

-Ahlekszah/Ate A❤


Mga Tula Ni AhlekszahHistórias para pegar e não largar. Descubra agora