"Bakit. Bat mo siya tatawagan"

Di siya sumagot..

0_0  f*ck!

Wala akong ginawa sa kanya. Hell! Ano 'to! Humihikbi na siya. Nakita ko pa yung luhang bumagsak sa skirt niya.

Teka. Ano bang gagawin ko? Mga girls dyan...anong gagawin ko? Help please???

"U-uh...F-freya?" Bat ako nanginginig!

Mula sa tahimik na paghikbi kanina, humahagulgol na siya. Shet ang lakas! Baka marinig ni Miss Kalas. Ako na naman pagbibintangan nun!

"What's with that noise??!"

"Aaaaaaaaaa!!!! Anak ni Buddha!!!!"

"Mr. De Roqueeeee??????!!!!"

Napatakip ako sa bunganga ko nung nakitang kong nagtitimpi na sa galit si Miss Kalas. 'Bat kasi siya nanggugulat.

"Anong sinabi mo Mr. De Roque?!"

"Ha? Me ma'am?" turo ko sa sarili ko "U-uh....s-sabi ko ma'am, ano, uh" Shet! Anong irarason ko! "Sabi ko ma'am eh ano, eh anak ni Buddha-ful. You know ma'am, you're so...you're so...Buddha-ful, i mean, you're so beautiful kasi ma'am eh. Hehe"

Kung ano-ano na sinabi ko. La na akong pake. Un na lumabas sa bibig ko eh.

Tsaka ko naman narinig yung pag-iyak na naman ni Freya.

"Ano yun? Iyak?"

O___O Pota. Anong gagawin ko

"Haa?? I-iyak? M-ma'am talaga. N-nagpapatawa ka ba? Hahahahahahaha. What a joke. Grabe ma'am natawa talaga ako dun"

"Mommyyy!! *huk*"

"Aray!" Ang sakit ah! Ano ako? Punching bag?

Sinusuntok niya ako habang umiiyak siya. Nagwawala, pasipa sipa. Parang bata.

"Ms. Martinez? You're crying"

O_O napalunok ako

"Daddyyy!!! Daddyyy!!!" umiyak na din ako bago pa malapitan ni Miss Kalas si Freya

No choice. Kelangan ko ding umiyak. Kundi, lagot ako kay Miss Kalas.

"What are you doing??!"

"Wala po ma'am" *huk* "Naglalaro kasi kami ni Freya" *huk* "Paunahan umiyak" *huk-punas luha effect*

"Ok. Akala ko kung ano na kanina"

"Daddyyy...." *huk* pasulyap sulyap ako sa kanya hanggang sa nakapasok na siya sa room

"Phheeeww!" nakakapagod din palang umarte

Parang baliw kasi 'tong babaeng 'to. Paiyak iyak, walang namang nakakaiyak.

"Hoy. Ano bang iniiyak iyak mo ha?" tanong ko sa kanya

"Ayaw mo kasing ipahiram yung phone mo. Namimiss ko lang naman si mommy eh *huk*"

"Sus! Para un l-"

"Waaa-" tinakpan ko agad yung bibig niya

Ang ingay ah. Ipasok ko 'tong phone ko sa bunganga niya eh.

"Oh!" abot ko sa phone ko

"Galit ka?" *huk*

"Hinde! Dalian mo na"

Kinuha naman niya agad at nag-dial.

Ang tagal namang sagutin nung mommy niya.

"Ms. Martinez" napatingin kami kay Miss Kalas na nasa pintuan

Kung makangiti 'tong babaeng 'to. Ang saya saya lang?

Sinenyasan siya ni Miss Kalas na pumasok sa room. Agad agad naman siyang tumayo.

"Byyye!" ngumiti siya nang nakakaloko

Ako? Ayun, naiwan mag-isa. Parang batang nakatingin lang sa kanya. Alam niyo yung parang naiinggit na ewan! Nga-nga dre!

Teka, 'bat siya lang pinapasok?

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

- KookyDamsel

His PropertyWhere stories live. Discover now