"Talaga? Ok. Sorry" mahinhin niyang sabi "EH PANO KUNG AYOKO?!!" bigla niyang sigaw "MAY MAGAGAWA KA BA? HA? TSAKA PASENSYA NA HA KUNG NAPALO KO 'YANG ULO MO! Kasi naman eh, MUKHA KANG DRUUUMS!!! HA? ALAM MO YUN? MUK-HA-KANG-DRUUUMSS!!!"

"TALAGA LANG HA?!!" sasabunutan ko na sana yung buhok niya kaya lang

"MR. DE ROQUE! MS. MARTINEZ!" napatingin kami kay Miss Kalas"GET OUUUUUT!!!!"

Napatingin kami sa buong klase. Nakatingin silang lahat samin.

"KASALANAN MO 'TO EH!" - Kean

"AKO PA NGAYON ANG MAY KASALANAN? MAHIYA KA NGA!"

"IKAW ANG M-"

"ENOOUUGH!! GET...OUT...NOOOW!! NOW NA! KARAKARAKA!" grabe talaga makasigaw si Miss Kalas

Matalim na titig sa isa't isa ang pinakawalan namin ni Kean bago lumabas ng classroom.

KEAN'S POV

Kasalanan 'to ng babaeng 'to eh. Ang epal. Sarap batukan. Kaya ngayon, nandito kami sa labas. Wala pang upuan. Badtrip.

Sabay kaming napatingin sa isa't isa. Ang sama makatingin ah.

"Tss" narinig kong sabi niya

Umupo ako sa sahig. Siya nakatayo lang. Bahala siya. Di naman ako ang mangangawit. Basta ako, uupo.

Nilabas ko yung cellphone ko at naglaro.

Kanina pa siya lakad nang lakad. Sa harapan ko pa. Nakakaistorbo.

"Pwede ba! Umupo ka nga. Kanina ka pa lakad nang lakad. Ang kulit kulit ng paa mo!" sabi ko sa kanya

"Pake mo? Bakit? Ikaw ba mapapagod?" at tinaasan niya ako ng kilay

"Arte!"

Inisnoban niya lang ako. Di ko na siya pinansin. Nagconcentrate nalang ako sa paglalaro.

"Ano ba!" nagulat kasi ako. Bigla bigla ba naman niya ilalapit yung mukha niya "Bat ka ba nanggugulat?!"

Nagpout naman siya at umupo sa tabi ko.

"Pagod ka na kalalakad no? Hahahahahahaha"

Di siya nagsalita.

Bat biglang natahimik?

Tumingin siya sa hawak ko. Tsaka siya tumingin sa'kin.

"Pahiram" tukoy niya sa phone ko

"Ayoko nga!" mabilis kong sagot. Malay ko ba kung anong gagawin niya sa phone ko. Mamaya itapon niya eh

"Pleeeasse???" tapus nagpout na naman siya

Shit! 'Bat ang cute niya?

Kean! Anong pinagsasasabi mo! Baliw ka na! Tae! Hindi siya cute okaaaaayyy??????

"P-para san?" nauutal kong sabi

Ano ba! Bat ka nauutal Kean! May epilepsy lang?! Kalma lang!

"Tatawagan ko lang si Mommy"

His PropertyWhere stories live. Discover now