The Demon Own My Heart

Start from the beginning
                                    

"Ano ginagawa niyo?" Walang nagsalita o kahit man lang gumalaw ay wala akong narinig. "Wala na pala kayong dapat sabihin, kita ko naman na. Pumunta kayo ng guidance. NOW!" Sigaw niya ang dumagundong sa buong gusali.

Nagkandarapa naman silang umalis habang ako ay naiwan sa gitna. Nang nawala na sila, rinig ko ang yapak ni Pres papalapit kung nasaan ako. "Tara." Yun lang ang sabi niya at inalalayan ako.

Nahirapan pa ako ng una dahil sobrang nanghina talaga ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta nagpatianod na lang ako. At nasagot ang tanong ko ng napadpad kami sa office niya. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"May shower ka, pwede dun sa banyo ko. Bibigyan na rin kita ng extra kong damit. Kaya pasok na." Hindi na ako umangal pa at sinunod na lang ang gusto niya.

Sa pagtama ng maligamgam na tubig sa katawan ko ay nakaramdam ako ng kaginhawahan. Ang refreshing nga naman.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin sa loob ng banyo at pagkatapos ko ay siya ding pagkatok niya. Parang inabangan pa nga niya na tapos na ako bago ako katukin.

"Miss, abutin mo 'to." At inuwangan ko ng maliit lang ang pintuan at kinuha ang inaabot niya. Damit lang pala na pwede kong suotin. Sinuot ko na agad ito bago lumabas. Baka mamaya mainip na siya kakahintay sa akin.

"Salamat miss Pres." Nakayuko kong sabi.

"You're welcome." May himig ng masaya niyang boses kaya napaangat akonng tingin. Nakangiti nga siya na natural na sa kanya. Yung ngiting nagpahulog sa akin dati pa. "Papasok ka pa ba?" At lumapit siya sa akin, ang sexy ng bawat hakbang niya kaya napalunok pa ako ng laway. Nang malapit na siya sa akin, tumingin siya sa relong suot sa kaliwang bisig. "Samahan mo na lang akong kumain. Your half way late ka na rin naman and I'm sure gutom ka na din." Nakangiti niyang sabi. Yung ngiting hindi mo kayang tanggihan.

The DEMON Own My HeartWhere stories live. Discover now