Episode 1 - POV ni Claire

70 6 1
                                    

Gumagawa na kami ng Thesis -.- busy much ang buhay.. bwahahahahaha

PS. Sorry now lang nagUD… isa akong tamad na tao >_< warning: mejo may badwords.. pero other than that .. wala ng problem >_<

Episode 1 – POV ni Claire

“Aray!! Argh! Ansakit ng pwet ko… ” nakapikit kong sabi… nalaglag kasi ako sa hagdan kakalaro ng cellphone… jeez…

“urgh”

Napadilat ako… teka… yung nabangga ko!!

“Sorry kuya!! Di ko sinasadya… sorr-” si….. si….. “R…..RS?!”

Tssk,… pag minamalas ka nga naman tlaga… bat pa si RS ng TM UNIVERSITY ang nabangga ko.. syet lang tlaga…

Nakatingin lang sya sakin.. nakakunot ang noo… tapos walang sinabi… badtrip tlga to… napansin kong inikot nia ang paningin nia…

“Nasan tayo?” tanong ng lalaking kaharap ko

Ako naman ngayon napakunot ang nuo… “Syempre nasa schoo--” hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil may malakas na pag-alon ng tubig akong naririnig…

Tapos napansin kong hindi simento ang kinauupuan namin, kundi parang lawn…

Nawawala rin ang hagdan na napag-laglagan namin….

At instead na amoy aircon mula school ang paligid… AMOY DAGAT…

Napatayo ako bigla… “Argh!!” masakit pa pala yung pwet ko… pero di ako nagpapigil nilibot ko ang akin paninigin…

“Barko??” maang kong sabi… “Paanong nangyari to?”

Pinapanood lang ako ng lalaking kasama ko.. nagulat na lang ako ng magsalita siya..

“Kinid-nap mo ba ko?”

Cold yung voice di ko maalam kung nagjo-joke ba tong lalaking to o hindi…

Pero sabi ng intuition ko… SERYOSO ang lalaking to

“SYEMPRE HINDE… kumag na to… baka ikaw ang kumidnap sakin” eto ang joke!!! LOL! Impossibleng kidnap-in ako ng lalaking to...

Natawa ng malakas ang lalaking kaharap ko…

Tumawa si RS Uler?

Seryoso? Sabi sa mga rumor parang ‘Sunget King’ ata itong isang to…

Teka nga…. Pakelam ko ba.. pero pakiramdam ko dapat mainis ako… jeez!

“lokong to! Alam kong sobrang yaman mo para kidnap-in ako.. pero malay ko kung type mo pala ako!!!” sabay yakap sa sarili ko…

Naalala ko kasi yung mga manga na nabasa ko… yung kinikidnap yung mga type nila tapos nagtututut sila O_O tapos maiinlove yung babae---

Naputol ang pagiisip ko ng biglang tumawa siya ng malakas…

Grabe si RS ba talaga to… tsss…

“babanatan ko na to eh… teka nga seryoso alam mo ba kung nasaan tayo?” umikot ulit ang paningin ko… “parang familiar… hmmmm” medyo nag-aalala na ko.. dahil honestly hindi ko alam pano kami napunta dito…

“hindi ko alam.. ang alam ko lang dinamba mo ko tapos-”

“Gagu! Hindi kita dinamba… nalaglag lang ako sa hagdan.. haharang-harang ka kaya nadamay ka” <---- kasinungalingan … kasalanan ko talaga….

Natawa na nanaman tong kausap ko…

Kumunot pa lalo ung nakakunot ko nang noo!

“CLOWN ba ko?! Argh…” sumakit nanaman yung pwet ko kakagalaw…

Nang may makita akong anino sa likod ng isang barrel….

Te-teka!!!!!

Te-te-teka!!!!!!

Kilala ko ang pigura na yon… tinitigan kong maigi.. ayokong magkamali…

Habang tinititigan ko ito ng maigi..

tila nalilimutan ko lahat ng problema ko ngayon…

tila nawala lahat ng inis ko sa lalaking to…

dahil ang pigura na yon…

impossible akong magkamali…

“Cho- CHOPPER?? ❤❤!!!

“Chopper?” tanong ng lalaking napagod na ata kakatawa…

“ayun oh!!!! ❤ si chopper ng one piece!!! Kyaaaa ❤❤❤

-       To be continued  ❤

Comment|vote|be a fan

Adventures of an OtakuWhere stories live. Discover now