[42] The Best Part of the Day (Final)

Start from the beginning
                                    

"Ah... s-sige ho."

"Don't leave. Sabay-sabay tayong aalis," paalala ng opisyal bago umalis pabalik ng opisina nito.

"Yes chief."

Natutuwang muling naupo si Alex. Nagtaka siya kung saan sila pupunta pero ang hula niya'y sa paboritong tambayang inuman ng mga kasamahan malapit sa headquarters sapagkat hindi na siya pinagbihis ng hepe. Okay lang sa kanya kahit sa simple o pipitsuging lugar basta't ang importante ay makasalamuha niya pa nang mas matagal ang mga kasamahan.

Mas lalong nadagdagan ang naramdaman niyang saya nang tumawag naman ang nobyo.

"How's your last day?" pangungumusta nito.

"Okay naman medyo napagod lang ng kaunti dahil sa dami ng iniligpit na mga gamit at tinurn-over na mga files."

"Are you really decided to quit your job?"

"Oo. Hindi na magbabago ang isip ko," kumpiyansang sagot niya. "Ah Blake lalabas nga pala ako mamaya. Mukhang magpapadespedida yata si Chief sa akin."

"Ah really. Okay... Sorry wifey pero hindi ako pwedeng makipag-usap ng matagal sayo. I'm in the middle of a meeting right now. Talk to you later. Bye," paalam agad ng lalaki.

"O-Okay. Bye."

Dismayadong ibinaba ni Alex ang telepono. Unti-unti na nga bang nagbabago ang kasintahan? Dati-rati'y sangkaterbang mga tanong muna ang binibitawan nito bago siya payagang lumabas. Ni hindi man lang siya pinaalalahanang mag-ingat. Nakasimangot na nangalumbaba siya sa desk at tinitigan ang cellphone, umaasang tatawag ulit ang boyfriend upang sabihin ang nakaligtaang mga katagang madalas nitong banggitin bago ibaba ang telepono.

"TSADAAAN! Captain Valdemor! Are you ready to party?!!!"

Nagulat si Alex sa biglaang pagsulpot ni SPO1 Balatbat. Pansamantala siyang napanganga sa hitsura nito na nakasuot ng itim na coat and tie at naka sunglasses pa kahit maggagabi na.

"A-Anong meron? Isa ka na bang presidential guard ngayon?" napapatangang tanong niya.

Umikot si Balatbat, ngumiti at tinanggal ang suot na salamin. "Okay ba ang outfit ko Kap? Ano naguguwapuhan ka na naman ba sa akin?" sabay kindat pa nito.

"Teka ba't ganyan ang suot mo? May bago ka bang undercover?"

Mayabang na naupo si Balatbat sa tapat ni Alex at nagdekuwatro. "Wala naman. Sinadya ko talagang magbihis ng maayos sa despedida mo para naman masilayan mo pa sa huling pagkakataon ang kaguwapuhan ko."

"Ang sarap taktakan ng bunganga mo ng isang pack ng purong kape! Di ka man lang ba nininerbiyos diyan sa mga ilusyon mo! Magbihis ka nga? Nakakahiya ka parang ikaw ang may farewell party ah!" kunsumidong salita ng babae.

"Ayoko. Kabilin-bilinan ni hepe na dapat daw ay medyo pormal ang suot ng mga pupunta. Eh medyo sinobrahan ko lang ng kaunti."

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Where stories live. Discover now