[42] The Best Part of the Day (Final)

Magsimula sa umpisa
                                    

Bumalik na rin siya sa kanilang bahay pagkatapos mismo ng insidente ng pagkakadukot sa kanya. Pinauwi na siya ng ina at sa loob lamang ng isang linggo, nag-file siya ng resignation dahil na rin sa walang tigil nitong pagbubunganga at pagpapaalala. Wala naman siyang balak baliin ang pangakong pagbibitiw pero dahil sa magulang, napilitan siyang magresign ng mas maaga.

Si Blake naman ay naappoint ng CEO nung nakaraang dalawang linggo. Simula nang bumalik siya sa kanilang bahay ay siya namang biglang pagiging sobrang abala ng boyfriend sa trabaho. Hindi nito inungkat ang tungkol sa pagreresign niya sa halip ay siya pa ang kusang nagsabi tungkol sa desisyon niya. Binigyan din siya nito ng pagkakataong pag-isipan pa ang kanyang desisyon. Ipinahayag ng boyfriend ang totong saloobing hindi nito kayang ipagkait ang isang bagay na nakapagpapasaya sa kanya kung kaya't nakahanda itong umintindi kung gustuhin man niyang habambuhay na maging isang pulis.

Ang totoo'y natukso siyang huwag iwan ang trabaho dahil sa sinabi ng kasintahan subalit ayaw niyang maging makasarili. Sapat na ang sakit at hirap na pinagdaanan ng relasyon nila dahil hindi niya agad maisakripisyo ang propesyon. Masaya na siya na inintindi at pinagbigyan siya ni Blake sa kanyang huling kaso. At bagama't parte ng trabaho, hindi niya pa rin maiwasang huwag sisihin ang sarili sa huling insidenteng nangyari. Nalagay sa panganib ang buhay nilang magkasintahan at muntik ng makuha ni Garcia ang lahat ng pag-aari ni Blake ng dahil sa kanya. Naipakita na ng boyfriend kung hanggang saan ang kaya nitong isakripisyo para sa kanya, ngayon naman ay pagkakataon niya nang ibigay ang pagmamahal at kapanatagan ng loob na inaasam ng lalaki.

Isang bagay na lang ang nararamdaman niyang kulang sa sarili. Ang alukin ulit siya ng kasal ni Blake. Hindi niya alam kung dahil lamang sa abala ang boyfriend sa bago nitong posisyon sa kumpanya o palihim na pinaparusahan siya nito dahil sa mga pagkakamali niya. Ni pag-usapan o banggitin ang salitang kasal ay hindi nito ginagawa. Ang totoo'y bahagyang nagtatampo na siya sa lalaki. Napapansin niyang nitong dalawang huling linggo ay wala na itong gaanong panahon sa kanya. Isang linggo na siya nitong hindi dinadalaw sa bahay at kung makipagkita man ito'y pinakamatagal na ang isang oras sa loob ng isang araw. Lagi itong nagmamadali dahil sa mga meetings at mga nakabinbing pang trabaho. Ngunit kahit mahirap sa kalooban ay wala siyang magawa kundi unawain ang sitwasyon nito, kagaya ng ginawa nitong pag-intindi sa kanya.

Nahinto siya sa pag-iisip nang mapatingin sa relos. Alas-sais na ng hapon at kaunting oras na lang ang itatagal niya sa headquarters. Bigla na naman siyang inatake ng lungkot sapagkat parang isang normal na araw lang ang pag-alis niya sa opisina. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat. Siguro kahit umuwi na siya sa mga sandaling iyon ay walang makakapansin sa paglabas niya.

"VALDEMOR!" sigaw ni Chief Martinez na biglang bumungad sa pintuan.

"Yes Chief!" sabay tayo at saludo ng dalaga.

"Don't go home yet. May lakad tayo mamaya."

"L-Lakad? Raid ho ba?" kunot noong tanong ni Alex.

"No. We're going somewhere for your farewell party."

Sumigla ang mukha ni Alex. Hindi naman pala siya tuluyang nakalimutan ng mga kasamahan. "Ganun po ba? Saan po tayo pupunta? Uuwi muna ako para magbihis."

"Huwag na sayang ang oras! Tama na yang damit mo," matigas na wika ng hepe.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon